MASKARA
collab poetry by van and trish
Hangang kelan mo tatakpan ng ngiti
Mga hapdi na sa puso mo'y nagkukubli
Hangang kelan mo itatago sa saya
Lungkot at Pasakit na lagi mong damamarahil , hanggat walang nakakapuna .
puno man ng kolorete ang mukha ,
parang payasong nagpupumilit magpasaya
kahit ang kalooban ay naghuhumiyaw na,Pagbabalatkayo'y nakasanayan na
para ba tangapin ka ng madla?
taliwas man sa nais iyong nagagawa
upang madama na isa ka sa kanilasinong may nais sa taong tinubuan ng sumpa?
sinong may nais makihalobilo sa taong tila walang pagkakilanlan ?
mainam pa magsuot ng mukhang nakasanayan ng iba ,
kesa magladlad at yurakan ng lahatTunay na pagmamahal pano mo madarama
kung sa likod ng maskara'y nagtatago ka
Malalaman mo bang sinsero sila
kung ikaw mismo ay nagpapalit ng mukharamdam ko ang pagmamahal sa bawat taong biktima ng kublihan .
ramdam ko sa tuwing nagpapakatotoo sila ,
habang ako ay buong katusuhang nagbabalat kayo sa tunay na layunin .
nais ko matungkab itong mukha kong tila tinubuan ng langibMaskara'y Hubarin, Magpakita ka sakin
Sa damdamin umamin, Ilabas ang saloobin
Wag nang maglihim, wag nang magtago
Tunay na pagkatao, yakapin mong buoDUGTUNGANG TULA VANXTRISH
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...