Buhay Magaaral at Pagibig

127 1 0
                                    

dugtungang tula by zinzin at glazer

Nagsimula ang ating kwento katulad ng isang tula
Na isinulat sa isang papel na pinunit ko pa sa aking pluma
Mejo kinakabahan ay isinulat ko ang mga salita na magkakatugma
Ginamit ko ang lapis sa pagsusulat pagkat kung may pagkakamali man ay pwede kong maibura

Ikaw ang crayolang nagbibigay kulay
At kumokompleto ng aking buhay
Kung magkaproyekto man sa iyo ko ito bibigay
Hindi Kay ma'am kay sir o kay nanay

Itinuturing kong sining ang iyong ngiti
Dahil nagkakakulay ang mundo ko sa tuwing nasisilayan ko ang mala rosas mong labi
Ang kinang ng iyong mata saking luha at pagod pumapawi
Sa mundo kong maulan at sa puso kong sawi ikaw ang nag silbing bahaghari

Di sapat ang krayola upang ganda mo'y ipinta
Saating klase boses mo ang itinuturing kong musika
Para sayo bibilangin ko ang mga bituin kahit Hindi ako magaling sa matematika
Di din ako magaling sa agham pero alam ko sa puso ko ikaw nalang ang kulang na formula

Sa pagdaan ng masasayang mga araw ay unti unti akong nakakahalata
Teka parang hindi na ito tama
Hinanap ang mali sa pagitan ng mga linya
May salita ba na hindi magkatugma o tayo yung hindi dapat ipagtakda?

Pangalagahan mo naman ako
Katulad ng ballpen na ibinili mo sa kanto
Palagi mong bitbit at hindi ipinapahiram kung kanikanino
Kasi sa punto natin ngayon ay di ko na makita ang halaga ko

Ipaglaban mo naman ako
Katulad ng research na pinag aralan mo
Hindi mo kailangang magpuyat para ipakitang ako'y iyong mahal
Ngunit bigyan mo naman ako ng oras kasi tao din ako na hindi makakapaghintay ng matagal

Sa huli ay napaisip ako bigla
Hindi ito larong pambata
At lalong hindi ito isang tula sa aking pluma
Walang pambura ang makakapagbura sa ating alaala

Alam natin na tayo'y mga estudyante
Natututo sa ating mga pagkakamali
Siguro ang pagmamahalang ito'y isang aralin na dapat talakayin
Upang matutunan natin ang aral na di mapupulot sa loob ng silid-aralan

Dugtungan ni Gerald Madriñan, Glazer King Airgyztan at Chevrolet Franzinne Cepe

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon