Huling Tagpo

87 1 0
                                    


Huling Tagpo
Dugtungan nina: Anj x Trish x Eljay x Keis

Nais kong magpakatanga,
Dahil sa nararamdaman ko para sa kanya,
Ngunit alam kong may masasaktang iba,
Kaya pinili kong lubayan nalang siya.

Kaya sa mga oras na ito siya ay akin nang pinapalaya,
Piniling ako nalang ang magpaparaya,
Kung sa kanya siya ay lubos na sasasaya
Sino ba ako para tumutol pa?

Ngunit mahirap,
Dahil sa araw-araw lagi Kang pinapangarap,
Na mayakap,
Makasama,
At Hindi na muling magkahiwalay pa

Sa pagLisan ko sa'yo para sa kapakanan ng iba,
Dulot nito sa akin ay hinagpis,
Nagmukmok mag isa,
nagpaka basa sa uLan para iyak ay hindi makita,
MakuLay na kapaligiran ay biglang dumiLim,
Nawalan ng kabuluhan lahat ng gagawin
Dahil sa paglisan mo, dinaLa mo na rin ang puso't damdamin.

Hindi ko naisip na hahantong tayo sa katapusan,
Sa panahon pa kung kelan tumutulo ang ulan,
Pipilitin intindihin ang iyong dahilan,
Kahit kamay mo ay gusto ko pang hawakan.

Mga bagay na gusto ko pang ipagpatuLoy,
Mga pangarap kasama ka ay gustong tuparin,
Pag hilig ng ulo mo sa balikat ko'y ayaw ko ng tanggalin,
Halik mong kay tamis ulit-uLitin,
Pero kailangan na kitang palayain,
dahiL darating din tayo sa puntong maghahawak kamay, pero bibitaw din.

Ngunit kailangan ko magpaalam,
Pagka't hindi ako ang nakalaan,
Sa puso mong nais kong maging laman,
Sa buhay ko, ika'y dadaan lamang.

Kaya't, mahal, hanggang dito na lamang,
Ang tanging pakiusap lumakad ka na lang,
Ako'y wag nang lingunin at masasaktan lang,
at baka ikaw ay pigilan ko lang.

Sabay sa pagbuhos nang ulan,
Ikaw at ako ay nagkita sa daan,
Ito na ang araw na inilaan,
na kamay ng bawat isa ay kailangan nang bitawan.

Titiising Hindi Lumingon para luha ko ay hindi mapansin,
Tinik sa puso ay iindahin,
Naninigas kung katawan ay papakilosin
Dahil ito na ang tagpo na ang landas mo ay tataliwasin,
Mahal mo ako, mahal din kita
Pero kahit kailan hindi tayo para sa isa't isa.

Sa pag-alis mo sa buhay ko,
Pipiliting intindihin ang dahilan mo ,
Kahit sabihin ko na "Ok lang ako",
Luha naman ay papatak pagtalikod mo.

Sa sabay nating pagtalikod at pagluha,
Sa bawat hakbang ng mga paa palayo sa isa't isa,
Wala mang katagang lumabas sa mga labi,
Malalaman pa din ang dahiLan ng paglisan,
DahiL malayo man ang agwat ng ating mundo,
Madidinig parin ang pintig ng puso mo.

Ayoko pa sanang masaktan ang damdamin,
Lalo pa't alam ko na ako'y mahal mo rin,
Yung kamay mo na ayaw kong bitawan din,
Nais ko pang mahigpit kang yakapin.

Tapusin na natin ang lahat na ito,
Kung hindi, lalong masasaktan lang tayo,
Hindi ako ang nakatadhana sayo sinta,
Kaya ako'y magpapaalam na.

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon