Paglisan sa gitna ng ulan
Dugtungang Tula x Trishy and ronaldSa kalagitnaan ng ulan ako'y nanatiling nakatayo
at ang luhang pinipilit itago ay bigla nalang tumulo
habang pinapanuod kang naglalakad palayo
mundo ko mistulang guguho' hindi kaya ang sakit nitoUmalis ka sa gitna ng ulan,
At kalimitan ang mga sakit na lulan.
Makisilong sa bubong habang umuulan.
At kalimutan ang taong nagpaiyak sa iyo ng tuluyan.kasabay ng pag guho nitong aking mundo
luha ay patuloy ' walang tigil sa pagtulo
sapagkat pag alis nya sa buhay ko
tangan na rin pati ang aking pusoDi lahat ay permanente sa mundo.
Ma pa hayop bagay lugar o tao.
Kailangan lang ipagpatuloy ang buhay mo.
At darating din ang taong para sa'yosayong payong pwede ba akong kumanlong?
sayong bubong pwede ba akong makisilong?
sayong balikat pwede rin bang maki sandal
ilalahad ko lang damdamin itinago ng kay tagalIkinalulungkot ko hindi ako ang taong para sa'yo,
Ayokong umasa ka sa walang kwentang tao,
At sana'y maintindihan mo ang pakiusap ko,
May ibang tao na karadapat dapat sa pag-ibig mo.at muli ako'y iniwan mo na naman
sa panahon kung kelan bumubuhos ang ulan
habang palayo ka ika'y pinagmamasdan
mahal paalam' hangang dito nalangHuwag mag-alala aking kaibigan,
Iyong ala-ala ay di malilimutan.
Nakatatak sa puso't isipan.
Ating nakaraang aking nilisan.Ako'y nilisan mo na ngang tuluyan
hindi man lang pinakingan ang nararamdaman
Ganon pa man pipilitin intindihin ang iyong dahilan
tangap ko na na sa akin ang turing ay kaibigan langAyokong saktan ka kaya huwag mo na kong hanapin.
Ang tulad mo ay di karapat-dapat para sa akin.
Kaya wagas mong pag-ibig ay sa iba nalang ibaling.
Ang tanging paikusap ko lang sayo kaibigan kung turing,Ay huwag kalimutan ang mga pinagsamahan natin.
Lalo na ang nakaraang pinag saluhan natin
sarili ay lagi mong alalahanin at unahin
Bagamat nagbago man ang turing, ito'y ako pa rin.
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...