SELOSAN
anj and trish
SAGUTAN patula
Salubong nanaman ang iyong kilay
Tititig sa akin ng may kasamang irap
Bakit ba sa akin ngayon ay mailap
Timpla mo ngayon kung hulihin kay hirapSelos, yan ang dahilan kung bakit nasasaktan
bakit nga ba nauso pa ang salitang yan,
kung makaka sira lang din naman ng samahang
pang kasintahan o pang kaibigan?Di ko ninais na ika'y pag selosin
Mali ang akala mo tungkol sa amin
Paguusap, walang ibang ibig sabihin
Sa kanya kaibigan lang aking turingSa pag larangan ng pag ibig ako'y madamot
Kahit kanino ika'y ipapag imbot
ManatiLi ka lang na kasama at nasa aking piLing
Taimtim at maligaya ng hihimbing.Lapitan at pansinin man ako ng iba,
Para sa akin ay balewala lang sila
Pakakasiguro Atensyon ko'y di makukuha
Alam mo naman na ikaw lang ang sinisintaDahil ako'y natatakot na baka sa huLi ika'y magLaho,magpa dala
sa matatamis na salita na kanyang paulit ulit na sambit
Pangako niyang hindi ko kayang tapatan
DahiL alam ko namang meron tayong simula,pero walang tayo magpakailanman.wag ka sanang panghinaan ng loob sinta,
sa matatamis na salita ay hindi ako nadadala
pangako hangat ang puso ay pumipintig pa,
wala mang wagas, mamahalin ka hangat humihingaMatampuhin man ako sa iyong paningin
Isa lang ang gusto kung sabihin
Ikaw kc ang pintig ng puso kung nagsu sumigaw
Kahit mapaos ay iindahin dahil mahal na nga kita giLiwHalika, sa kandungan ko yayakapin kita
At ibubulong sayo salitang 'Mahal kita'
Kaya binibini ko, wag nang mag alala
Ikaw lang ang iniibig at wala nang ibaAyan bati na ulit tayo ha
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...