Magkabilang Mundo
by trish, tambe, via and eric
Nandoon tayo sa magkabilang dulo,
Konektado kahit na tayo ay malayo,
Relasyong 'to saan patutungo?
Kung ang abutin ka'y tila negatibo,Ang nais ko lang ay masulyapan ka
Makita ang maganda mong mukha
Sulitin ang bawat Oras,at Minuto
mga sandaling magkasama tayomahawakan ang iyong kamay ng ilang segundo
Mahagkan ka ng ilang minuto
Makitang kumislap ang mga mata sa saya
Na ikaw at ako ay magkapiling sintaDagat ang ating pagitan
San patungo ang pagmamahalan
Umagahan ko'y iyong hapunan
Saking pag iyak walang magpapatahanIniisip kung paano magtatagpo,
Na pag umiyak ka'y ako ang magbibigay panyo,
Na pag nadapa ka'y matulungan kang tumayo,
At maipadama ang pag-ibig na di maglalaho,Dagat man ay aking sisisirin
Mataas na Bundok ay tatawirin
Malayo man ang aking lalakbayin
Mapatid lang ang distanya sa pagitan natinKung panong maalagaan ka kapag masama ang pakiramdam
Kung paano mapapasaya kapag lungkot ang nararamdaman
Mahal ko mag iingat ka jan kahit matagal maghihintay ako pangako yan
Kasama ka sa bawat panalanginHiling na sana araw araw Nyang dinggin
Kahit malayo ako ikaw ay Kanyang kalingain
At sa piling ko ikaw ay Kanyang akayin.
Kaya naman gustong isigaw sa mundo,Baka sakaling makarating sa'yo,
Di ko man sukat abot ang iyong layo,
Nananatili pa ring matatag ang ating mga pangako,
Pangakong ikaw ay iingatan Puso koy sayo lang ilalaanMalayo man ang tinatahak na daan
Pagibig ay parang nariyan lang
Aking giliw sayo ay may tiwala
Laan sayo ang puso isip at kaluluwa.Lahat ng pangako mo ay panghahawakan
Magkalayo man, ikaw ay hindi ko bibitawan.
Heto ako't nangungulila,
Na hanggang sa litrato nalang kita nakikita,Gabigabing ikinukubli ang mga luha,
Sapagkat nais masabi ng personal na "mahal kita"
sa gabi ikaw ang nais katabi
halik mo'y naaalala ng aking mga labiyakap mo ay gusto kong madama
maglingap ang kailangan ko sa twina
Ikaw at ikaw pa rin ang hangad
Ayoko isiping ako'y di pinaladNa makaulayaw ka sa ilalim ng buwan
At makatabi sa iisang higaanKung pwede lang lakarin ang hangin,
O ipahatid sa mga anghel ang aking damdamin,
Araw-araw ko itong gagawin,
Dahil ang kaya ko lang ngayon ay walang sawa kang mahalin,Bubuuin ko ang daan na magdudugtong
Sa tatahakin mo at tatahakin ko ngayon
Handa na akong humakbang pasulong
At sa buhay mo na ako makikiayonDistansya, Pader na pagitan sa ating dalwa
Ano mang pagsubok na pagdadaanan
Kapalaran man ay ating kinakalaban
Unos ay malalagpasan, Pagkat tayo'y nagmamahalanDugtungan by:
Trish x Tambe x Via x Eric
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...