Hangang sa muli
Dugtungang Tula zinzin at trish
Biglaan ka man naglaho sa aking mga paningin
Nandito ka parin sa isipan at damdamin
Limang buwan na ang nakalipas at nakakangiti na ako
Nakaahon na sa pagkalunod ko sa'yohangang ngayon baon ko pa ang larawan mo
masasayang alaalang ating binuo
mga pagsubok na pinagdaanan natin
bago ka tuluyan kunin ng langit sa akinNgunit hindi ito hadlang upang sumaya ako
Kasi alam kong ito ang gusto mo
Ang hayaan kang tangayin ng hangin papalayo sa akin
Papalayo sa napakasayang buhay natinSabi mo sakin noon Mahal pag nawala ako
gusto kong manatili ngiti sa labi mo
Paglisan ko, Ayoko makikita kang malungkot
Ngumiti ka lang. Wag sisimangotKaya sinunod ko ang bilin mo
Hinayaan ko ang sarili ko na malulong sa trabaho
Naghanap ng kasiyahan sa iba't ibang tao
Ngunit kahit sino man ang pilit titigan iyong ngiti parin ang hinahanap ng pusong itoAkala ko kaya ko na, Akala ko limot na kita
Akala ko kaya kong magmahal ng iba
Pero kahit anong gawin ikaw pa rin
Hinahanap ng puso ko sintaPero bakit pagtingin ko sa larawan mong palagi kong dala
Tila bumalik ang kirot at nawala ang saya
Masakit isipin na wala ka na talaga
Hindi na titibok ang puso mong mahalagaSa huli kahit mapuno man ang karagatan ng aking luha
Kahit mawalan ng kinang ang tala kakahiling ko
Pilit na lang na tanggapin ang katotohanan sinta
Katotohanang kailanma'y hindi ko na makikita ang matamis na ngiti moSiguro nga ay hangang dito nalang tayo
Ito na ang huling pagluha ko
Masakit man pipilitin kong muling tumayo
Hangang sa muli nating pagkikita mahal ko
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Puisicompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...