"Tanging Tanglaw"
Pikit matang nakaluhod,
Nakayukong nagdarasal sa pusong lugod,
Sa pighating aking nararamdaman ikaw ang sagot,
Panginoon alisin mo sa akin ang poot,Sa dami ng hadlang at balakid,
Sa itaas ako'y nanalig,
Pumikit at panalangin pinarinig,
Pumikit sinambit ang ibig.Nawa'y gabayan mo sa daang madilim,
Magsilbing liwanag kung langit ay makulimlim,
Mga naka sulat sa banal na aklat,
Aking gagawin at ikakalat.Tulad ng pagbuo mo sa ating mundo,
Huhubugin ang puso upang maging mabuting tao,
Tulad ng paglikha mo sa araw at sa gabi,
Asahan kong masulyapan ang liwanag mo sa aking tabi,Ako'y isang tupa'ng minsan ay naligaw,
Ngunit hinanap gabi man ay mapanglaw,
Salamat sa pag-ibig mong nag-uumapaw,
Mananalig ang tulad kong minsan ay naligaw.Mga gawi na mali akin na ngang iwawaksi,
Tatangapin iyong mga aral na walang pasubali,
Sasambahin ka at tanging sa 'Yo lamang magbibigay puri,
O Diyos tangalin mo ang masasamang ugali.Ako'y Iyong huwarang anak na nagsusumamo,
Kung kaakibat ng aking pagiging mortal at pagkatao,
Ay ang pag-alay ng buhay ito'y aking isusuko,
Tulad ng anak Mong sa krus ay ipinako.Kayamanan at lahat ng kalayawan,
Wala pala itong kabuluhan,
Dito sa mundong makasalanan,
Ikaw, Panginoon ang tanging kailangan.Humayo kayo't magpakarami,
'Yan ang pinakagusto ko sa lahat ng Iyong sinabi,
Ako ay luluhod sa Iyong harapan,
At titingalain Ka hangang kamatayan.At kung sakali mang ako'y sa ibang daan ay maligaw,
O Pag-asa sa buhay ay hirap ko nang matanaw,
Nandiyan Ka sana upang sa akin ay yumakap,
Sa isang panaginip na ikaw lang ang nais kong makaharapTulad ng pagsikat ng gintong araw,
Ikaw, O Diyos ang tanging tanglaw,
Sa piling Mo ay may tiwala at pag asa,
Sa piling Mo ay di na dapat mangamba.Di magpapatukso sa ahas,
Di kakanin nakabitin na mansanas,
Ikaw sana ang magsilbing barko,
Sa nakakamamatay na alon ng mundo.Lahat ng pangaral ay isasaulo,
Lahat ng sakripisyo ay isasapuso,
Kung ang kaligtasan ng mundo ay nasa kamay Mo,
Gawin Mo akong instrumento.Sa buhay kong masakit at kay lupit,
Sa pangako Mo ako'y kakapit,
Sa piling Mo di makakaramdam ng sakit,
Sa piling Mo lahat ay aking makakamit.Sampung utos lang ang alam kong naka ukit sa bato,
Ngunit bakit mas marami ang sa nanay ko,
Ako sanay bigyan N'yo ng paliwanag,
Upang sa puso't isip ko ay wala nang bumagabag.March 13, 2018
****
Manunula:
Eric
Gerald
Via
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...