Pintuan ng Nakaraan

110 0 0
                                    


*Pintuan ng Nakaraan*

Maling pinto aking napasukan
Isang lagusang puno ng kataksilan
Pintong kay raming bitag
Na sa iyong pagibig ay nalaglag.

Saan ba ang tungo palabas,
Tila parang panaginip ang aking dinaranas.
Maling pinto aking napasukan,
Ito ba talaga ang aking nakaraan?

Isa itong masamang bangungot
Dahil ang buhay ko'y naging masalimuot
Sa pintong tila di ko malilimot
Nasaan ang daan,nais ko itong maabot.

Paano ako nakarating dito?
Dahil ba ako'y umibig sa iyo?
Hindi ko ninais ang iyong kataksilan,
Sapagkat inibig kita ng lubusan.

Pumasok sa puso mo ng di nalalaman
Na sa puso mo'y umibig ng tuluyan
Puwede bang balikan ang nakaraan
Nang sa ganoon ,makita aking katanungan.

Ngunit sugat at galos ang natamo,
Pilit kong malaman ang dahilan mo.
Sapagkat kahit masakit nais kong manatili,
Sa pintuan ng nakaraan kahit sandali.

Dito ako ay patuloy na lumiligaya
Kahit anumang sakit o dusa
Basta naroon ka ako'y masaya.

Tayong dalawa lamang ang magkasama
Haharapin bawat problema
Na sa pintong Pagsubok lang pala
Di ko hahayaang may makapasok na iba.

Dugtungan by Glazer King x eljay

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon