KAWALAN SA ULAN
dugtungan eljay and eric
Maligo sa ulan para walang makapansin ng luha
Hayaang mabasa at saluhin lahat ng lungkot ng langit
Tumingala at ibuhos lahat ng sakitAt mabalot sa putik
Para walang taong dumikit.
Sapagkat walang silbi ang buhay
Kung hindi ikaw ang karamay.Hahayaan nalang na malunod sa ulan
Hahayaan nalang mawala na rin ng tuluyan.
Sapagkat ang tanging dahilang mamuhay,
Ay nawala na sa aking mga kamay.Ayoko nang makita ang sikat ng araw,
Sapagkat luha ang tuluyang umaapaw,
Hindi lang sa mga mata nakikita,
Ang puso kong umiiyak, nasaan ka na?Collaboration poetry eljayxeric
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...