"Dagok"
Dugtungang tula Poetica x DiwataMayaman at mahirap sadyang magkaiba
Sa ugali man o pakikisama
Laging panalo iring matataas
Dinaraan sa,suhol,pera at batasPera ang makinarya sa mundo,
Nag-aral, nagsumikap, nalumpo,
"Kaibigan, itayo mo ang sarili mo sa pagkakaupo,"
Gusto ko siyang pakinggan ngunit takot ako.Pangaapi,alipusta,nasaan ka hustisya?
Batas ay di pantay sa kanilang maralita
Sa bawat pagkahig at pagtuka nila
Di na malaman kung saan hahanap paItinayo ko ang aking sarili,
Subalit nilugmok akong paulit-ulit,
Nasugat ako't binuduran ito ng asin,
Ngumawa't naglupasay ngunit walang pumansin.Mahirap sa inyo ba'y may pag unlad
Kung sa tulad nilang gipit,kapos palad
Di iiral pagasensong hangad
Silang mayaman ,kumain ay banayad
Samantalang buhay kapalit sa mahirapItinaas ko ang itak,
Humulma ng ideya gamit ang utak,
Marahil ay may pagkakaiba kami,
Subalit sa pagkakataong ito'y magiging wais ako.Narito tumayo at tumindig
Sa istado ng buhay ako kumakabig
Upang talento'y malaman ng daigdig
Lumayo sa hirap ang aking ibig
Kaya kahit anong istado,pilit na titindigNag-unat ako't tumingin sa aking sining,
Pipi man ang akin bibig,
Nailalabas naman ang aking pagwewelga
Sa pamamagitan ng aking likha.Anumang pagsubok ang satin nilaan
Di dapat ikahiya o talikdan
Dahil lahat ay may dahilan
Diyos na maylalang ng sangkatauhan
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...