Pagkakaibigan o Pagkaka-ibigan

239 0 0
                                    


Pipili ka talaga sa dalawa; pagka-kaibigan o pagkaka-ibigan.
*****
"Pagkakaibigan"

Sa twing sya'y ngumingiti,
Puso ko'y kinikiliti,
Mata n'yang kumikislap,
Nagpapaliwanag sa umagang maulap.

Kapag s'ya'y nakikita,
Ako'y kinikilig di ko mapigilan ang nginig.
Kailan kaya matatangal daga saki'ng dibdib?
Magandang dalaga kailan ko kaya mapapabilib?

Bawat araw na ika'y di kasama,
Bawat oras hinahanap ka ng mga mata,
Bawat minuto ikaw ang gustong makita,
Bawat Segundo Boses mo'y nais marinig sa t'wina.

Nag pa-plano na ika'y lapitan,
Upang mailahad itong nararamdaman.
Aking sinta pa'no kaya kita liligawan?
Nagtatalo puso't isipan,
Sana wag mawala ating pagkakaibigan.

Nakulong sa gitna ng pag-aalinlangan,
Kung pipiliin ba'y pagmamahal o ang ating pagkakaibigan,
Pero diba ang ating pagkakaibigan ay pwedeng humantong sa pag-iibigan?
Sagutin mo naman ang magulo Kong isipan.

March 8, 2018
****
Mga Manunula
gerald at vincent

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon