Sayong Tabi

224 1 0
                                    


SAYONG TABI

by anj and trish

sayong piling ako'y nananabik
kaylan kaya kita mayayakap muli?
sayong tabi nais kong manatili
makita ka, masilayan kahit saglit

Sayong piling ang tuwina'y hiling
Na sana kamay mo ay mahawakan mandin
Maka sama ka kahit nakaka bitin
Dahil ang isang taon ay parang isang minuto

kapag ikaw at ako ay naglalambing.
susulyapan matatamis mong mga ngiti
papawiin ang luha twing ika'y humihikbi
tititigan ka hangang lumalim ang gabi

magkayakap, habang tayo'y magkatabi
Sa sobrang pagnanais na ikaw ay maka piling
hanggang panaginip ika'y andun din
Masaya na sana ang aking himbing
ngunit kaylangan ako'y magising

At harapin ang katotohanang malayo ka sa akin

kung pwede lang utusan ang hangin
upang ang halik sayo'y ipa-hatid
hindi man dumampi ang aking mga labi
ipapadama ko damdaming nais ipabatid

Sayong tabi ako'y mapapanatag
sa mga unos ay nagiging matatag
mga Isipin ay hindi na alintana
Titigan ka ng matagal ay kulang pa

malayo man ay aking lalakbayin
hindi man patag ang landas na tatahakin
bagyo man ay susulungin upang sayo'y makarating
magtatagpo din tayo, sa byahe natin

susulitin ang bawat sandali
oras ay pahihintuin ko ng saglit
papawiin ang bawat pananabik
habang tayong dalawa ay magkapiling

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon