Mahal kong Kaibigan
Kaibigan,
Nagsimula tayo sa kaibigan
sa bawat oras na kita'y namamasdan
unti unti nagbabago ang nararamdaman
at pilit kong sinusupil umusbong na pagibig, kaibigan.habang tayoy tumatagal
pagiging kaibigan natin ay natanggal
linihim ko sayo ang pagibig ko
kawawang puso koy bumubulong sayosubalit ang puso koy natatakot
at baka itoy masaktan at sumabog
kong sasabihin ko ang aking nararamdam
mahal na sinta ba o kaibigan lamang?Tama ba tong nararamdaman ko?
Kaibigan kita at kaibigan mo ako.
Itatago ko pa rin ba aking nararamdaman?
Nais kong mahalin ka at hagkan.subalit ang puso koy natatakot
at baka itoy masaktan at sumabog
kong sasabihin ko ang aking nararamdam
mahal na sinta ba o kaibigan lamang?At ang hagkan ka ay tila pangarap
animoy sa himpapawid lulan ng mga ulap
sa iyong mga titig ako'y nahumaling
kaibigan ako sana'y iyo ring ibiginSa wakas at ika'y lumingon.
Ang iyong ngiti, kahit alon kayang iahon.
Napaiyak ako sa iyong pagyakap.
Napasakin na ang aking pinapangarap.DUGTUNGANG TULA Angelo x x Eljhay x shy
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Puisicompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...