MASKARA

782 10 1
                                    


MASKARA

collab poetry by van and trish

Hangang kelan mo tatakpan ng ngiti
Mga hapdi na sa puso mo'y nagkukubli
Hangang kelan mo itatago sa saya
Lungkot at Pasakit na lagi mong dama

marahil , hanggat walang nakakapuna .
puno man ng kolorete ang mukha ,
parang payasong nagpupumilit magpasaya
kahit ang kalooban ay naghuhumiyaw na,

Pagbabalatkayo'y nakasanayan na
para ba tangapin ka ng madla?
taliwas man sa nais iyong nagagawa
upang madama na isa ka sa kanila

sinong may nais sa taong tinubuan ng sumpa?
sinong may nais makihalobilo sa taong tila walang pagkakilanlan ?
mainam pa magsuot ng mukhang nakasanayan ng iba ,
kesa magladlad at yurakan ng lahat

Tunay na pagmamahal pano mo madarama
kung sa likod ng maskara'y nagtatago ka
Malalaman mo bang sinsero sila
kung ikaw mismo ay nagpapalit ng mukha

ramdam ko ang pagmamahal sa bawat taong biktima ng kublihan .
ramdam ko sa tuwing nagpapakatotoo sila ,
habang ako ay buong katusuhang nagbabalat kayo sa tunay na layunin .
nais ko matungkab itong mukha kong tila tinubuan ng langib

Maskara'y Hubarin, Magpakita ka sakin
Sa damdamin umamin, Ilabas ang saloobin
Wag nang maglihim, wag nang magtago
Tunay na pagkatao, yakapin mong buo

DUGTUNGANG TULA VANXTRISH

DUGTUNGANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon