PAGPAPALAYA
Pinilit ko naman pagibig ay ipaglaban
Sinubukan naman kitang hawakan
Puso mo naman ay aking iningatan
bakit Ako pa rin ang iyong iniwananPuso'y nagtataka kung itutuloy pa,
Kahit nahihirapa'y naghahanap ng pag-asa,
At nagayon ako'y hinang hina na,
Pakiusap sabihin mong kaya paTinanong mo ba ako kung masaya ako sa kanya,
basta mo nlng ako binitawan na parang pagod ka na,
kahit lingon mo ay hindi ko na nakita,
ganyan ba sukatan ng pagmamahal mo sinta?Kailan nga naman ako magiging sapat
Kung ang iiyong mga mata'y nakatuon sa kanya
Maari mo bang akong lingunin saglit
Sakaling makita mo ang aking halaga.Kulang pa ba ang ang pagpapadama?
Puso ko'y hirap at pagod na, Sinta
Gusto nang sumuko, Gusto nang umayaw,
Gustuhin man kumapit ikaw na ang bumitawGinawa lahat! Sumugal! Tumaya!
Pero ikaw itong sa atin ay nagpabaya!
Ngayon sa ibang bagay ka na masaya,
Isa lang ang ibibigay ko ang yong "paglaya"Paglaya na pakiwari ko'y matagal mo nang hiling
Pagkat ngiti sa iyong labi ay hindi na sa akin galing
Wag ka nalang mag tanong, Hindi na dapat pang sagutin
Dahil kapag nagmahal walang rason para hindi mo palayain.Kaya't kung sa tingin mo'y sa kanya ka liligaya,
Masakit man sa aki'y kailangan magparaya
Ngunit kahit ika'y hindi na kapiling Sinta
kahit sa malayo ay mamahalin parin kitaDugtungang tula X Anj X Trish X reuben
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...