Friendzone
by gerald, tambe, trish, ween
Kaibigan, bakit hanggang kaibigan lang?
sa pinagsamahan natin akoy naghihinayang
Walang ibang hiling Kundi ikay mapasakin
Na balang araw ikaw ay maangkin.Pagkat para sa akin higit ka pa sa kaibigan
kung ang nais ko'y iyo lng mapagbibigyan
Sana sa iyong puso Mayroon pa akong paglagyan
At mahigitan pa ang nakagawiang samahan.Handa akong gawin ang lahat kung ating susubukan
sana ang naudlot na samahan ay wag mong sukuan
Pangakong di na uulit ang nakaraan.
Tapos na sa laro larong katyawanAyokong maiwan sa kawalan at matapos ang ating nasimulan
hindi pa man naguumpisa'y nakaabot na sa sukdulan.
sukdulan na di naman tayo sigurado
Kung ako ba ang hangad mo hanggang sa duloNa kahit pa walang sa akin, ngunit may sa'yo
hindi magbabago hangad nitong puso
Di wawasakin ang aking mga pangako
Kahit pagkakaibigan lang ang ating yugtoTila lahat ng pangarap ko sayo biglang nawala
binubuong pagtitinginan ay naupos na ba?
Biglang nagka hiyaan At lumingon ka sa iba
Natigil ang samahan na kay gandaCollab poem by gerald, tambe, trish and ween
BINABASA MO ANG
DUGTUNGANG TULA
Poetrycompilation of collaboration poetry by Aspiring Filipino Writers group. Join our Group: https://www.facebook.com/groups/afwphilippines/ Dugtungang tula, hinabing mga salita mula puso at malawak na kaisipan ng mga makata. Contributors: Trish Eljay...