A - 16

9.5K 295 19
                                        

Yuu's P.O.V




"Yay! Foundation day ng school Yuu. Kaya five days walang pasok at limang araw magpakasaya. Anong  event ang sasalihan mo?" Excited na tanong sa akin Jade. Table tennis kasi ang hilig niya.

"Ahm... di naman ako magaling sa sports eh. Wala akong talent jan." Sabi ko na lang dahil tulog ako ng magpaulan si lord ng ganyang klasing skills sa mundo.

"Alam ko na!" Biglang sabat ni Jessica sa usapan naming apat. "Magaling ka naman Yuu sa sayaw at kanta kaya jan ka na lang. Tutulo laway ng mga boys at maraming girls ang maiingit sa sexy mo na katawan." Masayang sabi nito.

Kapag kumanta kaya ako. Magugustuhan niya kaya? Tutulo kaya laway niya sa akin kapag gumiling ako sa stage? Napatingin ako sa babaeng tahimik lang sa may bintana. Naka stereo bluetooth headphone ito.

"Kung siya inaalala mo if manunuod iyan?" Sabay nguso kay Cloe. "Ay dadaan ka muna sa butas ng karayom maaya lang iyan." Napalingo  ako kay Zoe.

"Why?" Takang tanong ko.

"Kung si Lee ay mas inuuna niya mag-aral sa London ay iyang babae na iyan kahit volleyball player pa iyan ay walang paki sa foundation day ng school." Napapailing na sabi nito. "Kahit siya ang varsity ay d'mo makikita na maglalaro iyan."

"May isang linggo kang maakit iyan na mapanuod ka." Segunda ni Mickey.

"Bakit siya hindi sumasali? Kahit panunuod ay di niya ginagawa?" Hirit ko pa na tanong.

"Oo, dahil kahit anong program dito sa school ay di siya nanunuod. Sa tabi lang iyan. Alam mo ano ginagawa? Mas pipiliin na matulog iyan. Kahit maingay sa paligid niya. Basta program ay matutulog lang gagawin niya. Or tatambay sa dorm."

"Ibig sabihin loner ang wifey ko?" Nakatitig ako sa maganda nitong mukha na nakapikit. Wala na naman kasi si Lee.

"Nope! Hindi siya loner. Sadyang ayaw lang niya dahil ano daw mapapala niya kapag nanuod siya? Moral support sa ka teammate niya? Ikakapanalo ba daw namin if manuod siya? Hindi, dahil kung sadyang magaling ka daw ay kahit walang nanunuod sayo ay mananalo ka." Ininguso niya ang wala pa ding malay na siya pala ang pinag-uusapan namin.

Tapos itong isa palibhasa siya participant namin sa gala night.

Ay ano baya! Bigla akong nalungkot dahil baka di niya ako panuorin. Wifey kaya niya ako! Matitiis kaya niya ako? Maghubad kaya ako sa harapan niya at baka sakaling manuod siya.

"Hoy Yuu! Baka matunaw." Bulong ni Zoe. "Mas malala kapa sa mga baliw kung makatitig ka sa kanya." Panlalait nito sa akin.

"Kasi ang ganda niya talaga." Nangalumababa ako at mas tinitigan ko siya na nakangiti.

"Alam namin dahil halos lahat ng nasa room at campus ay crush siya. Nag-aagawan nga sila ni Lee sa ganda. May kanya kanya silang ganda. Tapos ganun ka din. Baka nga sa dami na nagkakacrush sa kanya ay sayo siya may gusto." Pang-aalaska ni Jade sa akin na ikinapula ng pisngi ko.

"Crush kaya niya talaga ako? Maganda ba talaga ako guys? Iyong totoo? Dahil ang dami ko ng ginawa na pagpapansin sa kanya ay walang umepekto sa kanya kahot isa. Baka nga straight iyan." Reklamo ko sa tatlo dahil alam nila mula sa umpisa na tinamaan na ako sa isa. Iyong tungkol kay Emir? Acting lang namin ng bakla na iyon. Kaming apat lang may alam dahil di daw masabi ni Emir sa isa dahil always siyang binabara. Napakamaldita daw nito dati. May sarili siyang dahilan at ako din. Tapos lumubo ang puso ko ng sabihin nilang nabawasan daw ito simula ng dumating ako.

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon