Cloe's P.O.V
"Bakit ba ang kulit mo Margaret? Nakakailan kana? Kung hindi lang kita pinsan kanina ka pa nakatikim sa akin!" Maldita kong sabi sa kanya. "Ano nakain mo at nag sub ka sa school? Akala ko ba ayaw mo magturo?
"D'mo ba ako na miss?" Pagpapacute na lang nito sa akin.
"Hindi, at pwede ba iyang kamay mo ang manyak ha! Wala nga jan sa kabilang bulsa ko ang susi ng bahay ko. Ano kaba! Tanggalin mo nga iyan. Kung makapasok ka sa bulsa ko akala mo bulsa mo ito. Tapos nangungurot kapa! Mag bar muna tayo! Kainis ka!" Sunod sunod na reklamo ko rito. Kinurot ba naman ako. Ang sakit ah!
"Eh kasi sabi mo d'mo ako miss!" Pabebe nitong sabi.
"Hala! Paano kita mamimiss eh noong isang araw lang tayo magkasama? Tapos hito ka pa at natripan maging substitute teacher sa school. Eh di pagmumukha mo na araw araw makikita ko. Tapos ang sakit pa ng pagkakakurot mo sa akin! Sa singit talaga? Paano kapag ginahasa ako ni baby Yuu ko eh di makikita niya? Baka isip nun bumukaka ako sa ibang tao!" Kainis talaga siya. Di tuloy ako nakapag paalam sa baby ko.
Sino kaya tumatawag na iyon? Likot kasi ng babae na ito. Tapos empty pa cellphone ko.
"Hayst! Magbar na nga lang tayo." Aya ko na lang dito.
Dahil straight siyang pinsan ko ay syempre diko siya dinala sa bar na pinupuntahan namin.
Nagdrive na lang ako pero ang sista na bruha ay ang daldal.
Pinsan ko siya kay mom na isang Fil-am. Pero laking Pilipinas kaya mas straight siyang magtagalog sa akin.
"Ay! Nakalimutan ko. D'mo pa pala ako pinapakilala sa Yuu mo! Grabe ka Cloe! Bakit d'mo sinabi sa akin may girlfriend kana. Ako pa naman malapit mo na pinsan!" Nagpapadyak ito sa kotse ko.
Bigla ako na pa prino at tiningnan ito ng masama.
"Student mo sa pang-umagang subject ay d'mo kilala? Nag roll call kaba sa mga students mo? Buong semester kang magsu-sub kaya dapat nagtawag kana kanina. Sinabi ko naman sayo na classmates kami sa ibang subject at isa na doon iyong tinuturuan mo, diba?" Mahaba kong sermon sa kanya. Ganito ako sa bruha na ito. Isip bata kasi minsan.
"Katabi mo ba siya? Ehh si Leandra naman ang katabi mo eh! Dapat iyong si Yu......" bigla siyang napasinghap na akala mo may na realize bigla. "O-M-G! Iyong katabi ni Leandra na super ganda?! Eehhhh.....pinsan ang ganda niya! Galing mo talaga pumili ng girlfriend! Pakilala mo ako dali balik na tayo ng school." Mga eksaheradang reaction nito at pinapalo palo pa ako sa braso habang nagmamaneho ulit.
"Titigilan mo ako or titigil ka sa kakahampas sa akin. Gusto mo sa poste ko na lang kaya ito ipunta para isahan na tayong madisgrasya?!" Sigaw ko rito dahil naging pagiwang giwang ang sasakyan. Buti wala gaanong sasakyan sa dinadaanan namin.
"Ikaw kasi ayaw mo ako ipakilala sa dyosa na iyon." Nakalabing sabi niya.
"Diko siya girlfriend." Malumanay na sabi ko rito.
"Whaaattt? D'mo girlfriend iyon? Akala ko ba sabi ni Travis gf mo iyon! Aba ang bagal mo naman Cloe!" Oa na naman niyang react.
Pero dina ako nagsalita dahil totoo naman siya. Mabagal ako. Iyong mga plano ko ay di natupad. Puro palpak kaya sa plan B na lang ako.
Pinutol ko na agad ang parusa nila ni Emir sa akin dahil useless lang din.
Bakit ko nakalimutan na pwede pala silang magkita sa labas ng school.
BINABASA MO ANG
"My Amazona" (COMPLETED)
RomantikDi ka naman boyish or crossdresser at mahigpit kang nagtatago sa isang makapal na closet pero kung iturin ka ng mga girls ay one of the boys. ~ Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo? ~ Babe, sandal ko natanggal ang takong. ~ Mylabs, alalayan...