Yuu's P.O.V
"Bakit ganun Cloe? Ginawa ko naman ang lahat maibalik lang kita sa piling ko. Pero di pa pala sapat iyon?" Pinunasan ko ang aking mga luha sa pisngi.
Napapalabi ako at nasasaktan dahil nalingat lang ako ay may kahalika na ito.
Tumawag kasi si mom at dad para kumustahin ako.
Diko ito napigilan lumandas dahil sa aking nakita.
May kahalikan siyang isang babae. Pero di lang naman iyon ang dahilan kaya ako mas naiiyak.
Pinagtatawanan lang niya ako at sa sobrang tawa niya ay napapahawak pa sa tiyan at pinupunasan ang mga luha sa gilid ng mata.
Mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing tumitingin siya sa akin ay tumatawa pa din ito.
"I hate drugs!" Sabi ng babaeng katabi niya na isang haliparot dahil nakipaghalikan siya kay Cloe ko! "Sigurado ka na mahal mo ang gunggong na ito?" Sabi pa nito na nakaturo ang thumb sa tinutukoy na walang iba kundi si Cloe.
Diko maintindihan bakit ang cool lang niya na kung tutuosin ay pamatay titig at irap ginagawa ko rito.
Diko makita ang mukha ng babae dahil naka aviator glass ito at may mask.
Makikita mo na maganda pa din siya kahit natatakpan ang mukha nito.
Maganda ang pagkakacurve ng kilay. At ang tindig at tikas niya kung sa lalaki ay ang ganda niya dahil everytime na sinusuklay niya ang kanyang buhok nitong mahaba na may pagka burgundy gamit ang kamay ay ang cool nito.
Naka jacket lang ito ng black. V-neck at fitted ripped jeans na kita ang maputi nitong kutis sa legs. Naka boots ito. Lahat ng suot sa katawan ay kulay itim.
Mas matangkad siya kay Cloe at di nalalayo ang katawan nila.
Pareho silang sexy at pamatay ang hips at kapag lumakad kekembot. Ngunit, mas strong ang personality ng isa na ito. Aura pa lang nito ay alam mo na mas higit siya kay Cloe.
Ngunit kay Cloe pa din puso at isip ko kahit pinagtatawanan lang ako now.
Bigla akong nahiya ng hagurin nito ako ng tingin habang nakataas ang kilay.
"Bakit ba ito umiiyak C? Ano ba ginawa mo?" Sunod pa na sabi niya dahil parang tanga ang isa kung tumawa.....tapos ako parang tanga kung makaiyak.
"Ikaw dahilan bakit ako umiiyak!" Duro ko sa tumatawag kay Cloe ng C.
Aba! Kahit dyosa ito ay diko mapapalagpas ang paghalik niya sa wifey ko.
Kanina pa niya tinatawag na C si Close. Ibig sabihin close ang mga ito.
Napaturo ito sa sarili na kahit d'mo makita mukha ay parang napanganga.
Nakabawi din ito sa sinabi ko at nag cross-arms na tumingin na naman sa isa at maya maya bigla niyang tinuking.
"Tatawa ka ba or magpapaliwanag sa kanya?"
"Aray! Thunder naman! Wag mo ako sa kanya ipahiya." Napalabi nitong sabi sa tinawag nitong Thunder.
"Siya ba iyong sabi ni Athena na kasama mo noong may humahabol sa iyo?" Dahil sa sinabi nito ay bigla nahinto sa pagtawa ang kaharap at tumango. "Kilala mo na ba?" Tumango na naman ito. "Ok! Pero bakit iyan umiiyak?" Turo nito sa akin na tulad kanina ay thumb ang gamit.
"Hahaha i think, akala niya we're kissing kanina." Sabi niya na tumawa na naman.
Nasabi ko ba na kahit umiiyak ako ay nasa harapan pa din nila ako? Wala diba? Bakit? Gusto ko mang umalis pero di ko magawa kahit naisin ko dahil nakahawak ang isang kamay ni Cloe sa kamay ko.

BINABASA MO ANG
"My Amazona" (COMPLETED)
RomantikaDi ka naman boyish or crossdresser at mahigpit kang nagtatago sa isang makapal na closet pero kung iturin ka ng mga girls ay one of the boys. ~ Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo? ~ Babe, sandal ko natanggal ang takong. ~ Mylabs, alalayan...