Yuu's P.O.V
"Girl, wala siya now na umaga. Saan kaya siya nagpunta?" Bulong sa akin ni Zoe.
"Anong pinagbubulungan niyo jan?" Sita sa amin ni Jade.
Natawa naman si Mickey.
"Iyon ata ang pinagbubulungan nila." Nguso ni Mickey kay Cloe na ikinakunot na naman ng noo ko.
Kahapon si Zaya ang kasama now naman si Margaret na substitute teacher.
"Hey girls," bati sa amin ni Dylan na biglang lumitaw at iwan saan galing. Tumabi sa akin. "Bakit nakasimangot ang honey ko?" Pinanggigilan niyang e-pinched ang pisngi ko.
"Saan ka galing kahapon?" Tanong ko na lang at humiga sa lap niya. Nasa lilim kami ng malaking puno sa garden ng school. May carpet na dala naman si Mickey, laging handa eh.
Naiirita ako sa nakikita kong usapan ng dalawa.
Nagtatawanan pa! Tsk! Asawa na niya ako ay lumalandi pa sa iba!
"Bakit na miss mo ako?" Pagpapacute cute niya sa akin.
"Hahaha syempre miss ko honey ko na iwan saan nagsusuot." Tawagan namin since high school kasi iyan.
Pumikit ako bago nagpatuloy. Tapos naman din kami kumain at wala ang professors namin sa panghapon. Busy sila ata magmeeting para sa susunod na araw na school program .
"Siguro pangit ang kapatid ni Travis kaya ayaw magpakita sa atin. Or baka bitter at ayaw sa mga taong masasaya. Hahaha or baka may crush sayo honey tapos nagselos kay Emir." Sabi ni Dylan.
Ikinuwento pala sa kanya nina Zoe kaya alam niya. Kung alam lang nila na asawa ko itong tinutukoy na saksakan ng ganda. Kaso saksakan din ng kamalditahan kapag tinutupak.
Di pa namin sinasabi dahil gusto ni Cloe na siya ang magsasabi sa kanila. May inaasikaso lang daw ito pero nangako ito na paninindigan daw niya ako. Hangga't dipa daw niya ako natatandaan ay hayaan ko muna daw ito. Basta daw sabihin ko sa kanya paano siya makitungo dati sa mga tao dito sa school. Sino mga kausap nito parati.
Napadilat ako dahil wala na akong boses na marinig mula sa mga kasama ko.
Pagmulat ko ay mukha pa din man ni Dylan ang nabunggaran ko.
Umupo ako at na bigla dahil kung kanina ay lima lang kami. Now ay seven na kami.
"Hello couz." Bati sa akin ni Yurice na may kasamang nakasimangot na Cloe.
Wala na pala si Margaret at itong pinsan ko na mag graduate this year ang kasama nito. Next year pa kami eh.
"I have to go Yurice. May mga aasikasuhin pa ako." Paalam agad ni Cloe kay Yurice pero di man lang ako pinansin.
Maliban sa nakakamatay na titig at irap lang ang iginawad sa akin.
"Hi miss Yurice. Unison na bati sa kanya ng mga kasama ko.
"Aalis kana agad Cloe na dipa nakakaupo?" Tanong agad sa kanya ng matabil sa amin na si Jade.
"Yes! I just don't like the view. Besides, I'm busy for nothingness and i don't understand why gingagawa ko ito." Pagkasabi nito na may tunog pa sa dila ay nawala na nga ito ng tuluyan sa paningin namin.
Para siyang galit?
Teka dapat ako ang nagtatampo sa kanya.
Mabilis akong bumangon at hinanap siya.
Nagtanong ako kay Lee na nakasalubong ko sa hallway if nakita niya si Cloe.
"Doon ata tumungo sa may Lake. Mukhang galit. May LQ ba kayo?" Tanong ni Lee na diko man lang sinagot.
BINABASA MO ANG
"My Amazona" (COMPLETED)
RomanceDi ka naman boyish or crossdresser at mahigpit kang nagtatago sa isang makapal na closet pero kung iturin ka ng mga girls ay one of the boys. ~ Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo? ~ Babe, sandal ko natanggal ang takong. ~ Mylabs, alalayan...