A - 9

9.6K 261 20
                                    



Cloe's P.O.V



"Mylabs alalayan mo ako." Demand ng bruha kong schoolmate.

"Hoy Kimmy! Wag mo akong ini-echos jan. Kita mo nga sampong hakbang lang ang hagdan ay nagpapaalalay ka pa?" Singhal ko sa kanya. Pababa kasi kami sa second floor ng building namin. Ewan ko bakit trip niyang maghagdan. Eh may elevator naman. Juice ko dhai ang mga tao now. Naghahanap kung saan sila nahihirapan. "Hala sige humayo ka para pumayat ka naman. Kulang ka lang sa exercise kaya pagod kana maglakad." Dagdag ko pa. Isa siya Filipino-Chinese. Sa kabilang building pa room nila pero diko magets bakit siya nakaabot dito. Actually, di naman siya mataba. Sexy at maganda nga siya. Inaasar ko lang.

"Eh mylabs naman. Sa gusto ko alalayan mo ako." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kung si Lucas ipinunta mo dito wala siya. Kasama si Javier para mag chicks hunting sa soccer field." Tinaasan ko din ito ng kilay. May practice kasi ang cheering squad doon.

"Hindi naman siya ang ipinunta ko dito eh." Nakaismid nitong turan.

"Palibhasa iyang kasama mo ay halaman." Napatalon ako sa gulat dahil sa isang hinayupak na nilalang.

"Pwede ba Zaya! Pasalamat ka wala akong sakit sa puso." Buti hindi ako nahulog sa gulat. "Bakit dito ka? Diba practice niyo?"

"Anong wala kang sakit sa puso? Hindi ba sakit ang pagiging bato niyan?" Naku po! nadagdagan pa ata ang nagtataray sa akin ngayon. Buti nakababa na kami ni Kimmy. Naipon ang mga maldita na kilala ko. Para silang mga dragon na kunti na lang bubuga ng apoy. Buti wala dito iyong si Eva na reyna ata nila sa kamalditahan.

"Hi Yuu. Akala ko kasama mo bf mo. Bakit dito ka?" Nagtatakang sabi ko. Ang alam ko may date sila ni Emir.

"Kayong dalawa? Tutunganga lang ba dito or sasabay sa akin paalis sa halaman na ito?" Mataray na sabi ni Kimmy. Himala at walang angal ang dalawa. Tapos ako? Naiwan mag-isa sa baba ng hagdan. Kilan pa nagkasundo ang tatlo na iyon?





Duh!





Ako?





Pusong bato?






May crush kaya ako.







Si Yuu.






Halaman?






Duh!





May crush kaya ako.





Si Yuu.





*****





Pangiti-ngiti ako habang naglalakad para hanapin si Averi.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si miss Yurice. Ang ganda talaga niya.

Diko na din nakikita iyong magandang nerd na kasama niya parati. Maalala ko hinimatay nga pala dati ang nerd na iyon na si miss Amber. Para pa ngang patay iyon eh.

Kung may kinang mga mata nito dati. Now, lungkot ang mababanaag mo. May kaugnayan kaya ang lungkot nito kay miss Amber?

Seniors namin sila. Transfered student lang iyong si miss Amber. Maliban sa maganda, sexy at matalino ay napaka misteryosa nito.

Ang lungkot talaga ng kanyang mga mata. Di din ata ako napansin dahil tuloy tuloy lamang ito sa paglalakad.

Always naman niya akong pinapansin. Mabait at down to earth ito.

Sinundan ko siya ng tingin.

May  resemblance sila ni Yuu.

"Hoy, kanina pa kita kinakausap!" Hinampas ako sa balikat ni Averi. "Wag mong sabihin na si miss Yurice na ang type mo at hindi si Yuu?" Mapang-asar na sabi ni Averi. "Sabagay magkahawig naman sila ni Yuu. Wala kang tulak kabigin." Patango-tango nitong turan na siya mismo ang nag-aagree sa kanyang sinabi.

"Oo nga, ang ganda nilang pareho." Na pa agree din ako sa kanyang sinabi. Which is true naman na ang ganda nilang pareho.

"Hahaha alam mo ba may secret akong sasabihin sayo." Nakangiting sabi ni Averi sa akin. Nawala na kasi sa paningin namin si miss Yurice.

"Ano iyon?" Curious naman na tanong ko. Siya kasi ang taong bihirang nagsasabi ng nasa isip.

"Hindi nalalayo ang ganda mo sa kanila." Nakangiti pa din nitong sabi.

"Weh?" Sabi ko na parang di makapaniwala. "Alam mo? Siguro hindi mo nainom gamot mo kaya mo iyan nasabi." Di makapaniwala na sabi ko. "Ang dyosa kaya ni miss Yurice." Sabi ko pa.

"Alam mo? Ikaw ang babaeng maganda na hindi alam na maganda ka." Sabi nito at bigla akong iniwan.

Hala! Pang-apat na siyang nag walkout sa akin ah. Anong problema ng mga taong ito? Napapalatak ko na sabi sa aking isip.

"Wow huh?! Di kana na kuntento kanina sa panglalandi mo sa dalawa at pati pinsan ko at si Averi na kaibigan mo ay gusto mo ng patusin." Sabi ng malditang babae na nakapamaywang sa harapan ko. Nagulat ako dahil diko namamalayan na nasa harapan ko ito.

"Huh?! Anong sinasabi mo? Kanina ka pa jan?" Nalilito ko na tanong. "Sinong pinsan mo?" Sunod ko na tanong. Tapos biglang nag pop up sa isip ko usapan namin ni Averi. "Si miss Yurice?! Pinsan mo?!" Oa na reaction ko. Tinaasan lang ako ng kaliwang kilay. Tapos parang nagsasabing. "Hey, tumingin ka sa paligid mo." Inikot ko mata ko nga sa paligid at bigla akong nahiya dahil iyong ibang students ay sa akin nakatingin. "Ooppsss, sorry." Hinging paumanhin ko at naka peace sign pa ako. Buti maliit lang students sa kinalalagyan namin. Hapon at uwian na kasi kaya mangilan ngilan na lang ang students.

Napapailing na lang kaharap ko at nag cross-arms ito.

Iginaya niya ako sa bakanting bench.

Doon niya sinabi na pinsan nga niya ito. Bihira lang daw sila nagkikita sa campus at ayaw ipaalam ni Yurice na magpinsan sila dahil may mabigat daw ito na rason.

"Bakit d'mo sa akin sinabi?" Nagtatampong sabi ko.

"Hehehe sorry wifey." Nakangiwi nitong paumanhin. "Nawala kasi sa isip ko eh."

Si Lee? Alam niya na pinsan mo si miss Yurice?

"A-ah eh. Hehe oO eh. Pero wifey atin atin lang ito ah? Kasi iyang si Yurice kasi ay pribadong tao." Napatango ako.

Naiitindihan ko naman si miss Yurice. Siya kasi ang klase ng tao na di mawalan ng butler. Himala nga na walang bumubuntot sa kanya now.

Kilala kasi ang pamilya nila at nag-iisang babae. Tapos bunso pa.

Parang si Yuu. Kilala din sila. Pamilya nila ang nag mamay-ari sa pinakakilalang hospital dito sa New York. Pero mas simple ang amazona ko.

"Close naman kami. Nagtataka nga ako bakit ang lungkot niya now. Pagpapatuloy niya. Gusto ko sana nga alamin pero di ako maka tsempo eh. Nag-aalala din ako." Napapakamot siya sa kanyang kilay. Ang cute.

Diko napigilan pisilin pisngi niya. "Ok lang iyon." Ngumiti ako. "Tutulungan kita dahil kahit ako ay napansin ko na malungkot siya." May pang unawang sabi ko.

After namin mag-usap ay pumunta kami sa soccer field kung saan naka tambay sina Lucas. I'm sure na doon din tumungo si Averi. May hinihiram kasi ako na book rito. Nakalimutan ko dahil sa pagwa-walkout niya. Baka nagtampo na naman siguro siya kay Lucas. Hahaha alam ko may something sa kanilang dalawa dahil nahuli ko silang nagde-date at naghahalikan sa isang kilalang resto. Akala nila diko alam. Pero hinahayaan ko na lang na sila mismo ang magsabi sa akin. Di naman ako pakialamera. Minsan lang.


Hahaha




*****





Nicolette0810


"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon