Yuu's P.O.V
"Good morning ma'am! Here's your coffee with creamy latte!" Hyper na sabi ko sa lady boss ko na saksakan ng katarayan.
"What? I told you to make Tea not coffee!" Pabalang niyang ibinaba ang hawak na papel.
Tumawag kasi ito sa intercom na dalhan ko daw ng coffee.
Tapos now na dinalhan tea daw gusto. Sipain ko ito eh! Saksakan ng katarayan. Ginawa pa akong bingi.
Inirapan ko ito at kinuha pabalik ang coffee na pinaghirapan ko. Nilagyan ko pa naman ng heart.
Itinuro sa akin ni Hestia iyon. Iyong nag paliwanag ng mga dapat kong gawin. Siya ang vice president pala nito IT company nito.
Bakit di na lang siya ang nagpaliwanag baka magustuhan ko pa at malaman ano mga gusto nito.
Di iyong diko iyan gusto. Eh kahit ano ata gawin ko di niya gusto eh.
"Excuse me?! Saan mo ipupunta ang coffee ko?!" Maldita na naman nito sabi. "Put it back!" Ma autoridad nitong sabi.
"Iyong totoo Cloe? Kanina sabi mo sa intercom ay coffee ang gusto mo! Tapos iyon pala ang gusto mo lang pala ay Tea. Ngayon na papalitan ko ng tea kong makasigaw ka para kang kinatakatay jan! Di ako bingi! At pwede ba kung mag utos ka linawin mo!" Maldita ko din na sabi.
"So? Galit kana sa lagay na iyan? Ikaw na ang boss? Ikaw na ang malakas ang boses? Halika palit tayo. Ikaw dito tapos ako jan. Or baka magpalit na lang tayo ng katauhan. Ikaw ako at ako ikaw tapos lahat ng ginawa mo sa akin ay gawin ko. Mula sa umpisa na isilang tayo sa mundo hanggang sa ngayon na kaharap kita at sinasabi ko ang mga ito. Baka sakaling ang nasa harapan ko ngayon ay hindi ikaw or baka sa harapan mo ngayon ay hindi ako." Mahaba ngunit naramdaman ko na may pinaghuhugutan ito.
Dahil may mga diin ang mga sinasabi nito. Pakiramdam ko ang tinutumbok nito gaano siya nasaktan noong nakipag divorce ako. Iyong pagkakakilala namin hanggang sa hito ako sa haraapn niya.
Di naman ako manhid eh. Alam kongbpinapahirapan niya ako. Diko man direktang nasasabi sa kanya na kinukuha ko ang loob nitong muli ay bakit di niya ako naapreciate? Sa loob ng isang buwan na pananatili ko dito ay puro pagpapakahirap ang ginagawa niya sa akin. Tniis ko iyon kahit naaawa na sa akin mga kasamahan ko sa trabaho. Di man nila alam ang nakaraan naming dalawa ay nakikita at napapansin nila ang pagpapacute ko sa boss namin. Araw araw din akong nagbibigay ng flowers at gifts sa kanya pero isinasauli lang nito sa akin.
Diko namamalayan na tumulo na pala luha ko.
"I'm sorry ma'am. If nataasan ko boses ko sa inyo. Sige ho magdadala na lang ako ng tea at iiwan na itong coffee niyo." Sabi ko rito na habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Tulad ng typical na Cloe. Wala ka pa din makikita na emotion sa kanyang mga mata. Ganun ko ba siya nasaktan para maging manhid man ito? Lumabas na lang ako ng office na may kinikimkim na sama ng loob sa kanya.
Naiisip ko minsan.
Dapat ko na ba siya sukuan?
Dahil sa loob ng isang taon di siya nag pakita sa akin.
Tapos ngayon ay kasing lamig ng yelo ang pakikitungo niya sa akin.
Pinaparusahan niya ako at alam ko iyon.
Pero, diba sapat ang parusang ibinigay niya sa akin na isang taon bago ko malaman saan siya?
Ginawa ko na lang iba pang task na ipinapagawa niya kahit nasasaktan pa din ako.
Ang sama sama niya sa akin.
Kundi ko lng siya mahal matagal ko na siya sinabunutan kanina.
Kaya mabilis lumipas ang mga oras ng diko namamalay ay kumaram ang sikmura ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas tres na pala ng hapon. Kaya pala gutom ako dahil dipa pala ako nag lunch.
BINABASA MO ANG
"My Amazona" (COMPLETED)
RomanceDi ka naman boyish or crossdresser at mahigpit kang nagtatago sa isang makapal na closet pero kung iturin ka ng mga girls ay one of the boys. ~ Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo? ~ Babe, sandal ko natanggal ang takong. ~ Mylabs, alalayan...