A - 33

7.3K 205 2
                                    

Yuu's P.O.V

"Ano ba kasi problema mo Yuu? Ginabi lang ako kasi may ginagawa ako sa resto ko." Nauubusang pasensya ni wifey dahil sa kakatalak ko sa kanya.

Ginabi na naman kasi ng uwi.

Ewan ko ba pero may iba siyang patalastas sa kanyang buhay.

Wala siyang nababangit hanggang ngayon sa nangyari sa campaign.

Parang ang daming secrets ng bruha ko na asawa.

Sana naman ay di siya mapapahamak sa kanyang pinanggawa.

Sige lang mapapaamin din kita.

"Eh always ka na lang kasi ginagabi." Nakalabing saad ko.

"Halika nga dito. Sorry na dahil medyo tumaas ang boses ko." Hinapit at kinintalan ako ng halik sa noo.

"Anong medyo?!" Masipa ko ito dahil kanina kung malakas boses ko mas malakas ang boses niya.

"Ah hehe kaya nga nagso-sorry ako, diba?" Tumingala ako sankanya dahil mas may katangkaran ito kesa sa akin.

"Nakakain kana ba?" Tanong ko na lang sa kanya na may lambing.

Ngiti at tango ang isinagot niya sa akin.

"Halika may ibibigay ako sayo." Sabi niya sabay gaya sa akin sa couch.

Pinaupo niya ako sa lap niya at may kinuha siyang paper bag na kanina ay bitbit nito.

Pero diko binigyan ng pansin dahil sa pagmamaktol

May inilabas ito mula sa paper bag na iyon na isang maliit na mahabang flat na bagay at inaabot sa akin.

"Open it." Nakangiti nitong sabi.

May idea na ako kung ano ito pero naeexcite pa din akong buksan iyon.

I gently open the jewelry box at ang bumungad sa akin ay isang white gold queen crown pendant na napapalibutan ng Blue Diamond ang crown. Nasa loob ito ng isang infinity ring.

"Ang mahal nito ah?" Sabi ko dahil ang alam ko ang blue diamond ang most expensive gemstone sa kasalukuyan.

Bigla akong nakatikim ng mariing kagat sa balikat.

"Damn you! Imbes na ma appreciate mo ay iyon pa ang naibulalas mo." Inarapan niya ako dahil nakapout ito. "As if naman dika mayaman at alam kong afford mo iyan." Sinamaan pa ako ng tingin. "Akin na nga babalasubasin mo lang pala eh! Wag kang maarte! Ipina customized ko pa iyan at kanina ko lang kinuha kaya ako ginabi." Natatawa ako sa mga pinagsasabi niya.

Ang cute niyang magalit sa akin.

"Ayaw ko nga! Bigay mo eh." Inilayo ko sa kanya at di din man niya maabot dahil naka upo pa ako sa kanya. Tapos nag straddling position ako upang mas makita ko pamumula mukha niya. "Diba naubos pera mo dito?" Tanong ko na may halong biro.

Alam ko naman na afford niya dahil isa siyang El Fuergo.

Kilala ang pamilya nila na isa sa pinakamayang angkan sa buong mundo.

Sasakyan nga nito isang Koenigsegg CCXR Trevita ay na afford niya.

"Namulubi nga ako eh." Ganting biro din niya. May inilabas siya mula sa sout nitong blouse at kapareho ng sa akin.

Queen crown pendant din sa kanya na may blue diamond na nakapaligid.

"Ayan couple na tayo." Nakangiti nitong sabi. "Your my queen and I'm your queen also." Pagkasabi nito ay hinalikan niya ako sa lips.

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon