Hawak ang envelope sa loob ng bag na may nakalagay na pangalang Ariella ay alanganing pumasok si Cash sa restaurant kung saan naghihintay ang katagpo. She inhaled deeply. Tama ba ang gagawin niya? Kanina pa siya urong-sulong at hindi mapakali sa naging desisyon.
Ano ba namang mali dyan eh pagmamay-ari yan ni Ariella. Nandiyan ang malaking patunay. Sinilip niya ang pangalang nakasulat sa harap ng envelope.
Wala lang sigurong oras si Anthony na ibalik ito sa dalaga.
But it's still wrong. Paano kapag nalaman niyang kinuha mo yan, baka tuluyan ka na niyang kasuhan. Sigaw ng isang bahagi ng kunsensya.
Will he really do it sakaling mapag-alam nito ang gagawin niya? Cash wondered. Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin sulsol ng isa pang bahagi ng kunsensya.
Alam ni Cash na maling-mali ang gagawin niya ngunit ayaw siyang tantanan ni Ariella. Dumating pa sa point na pumunta ito mismo sa bahay nila. Siguro natulili na rin siya at the same time naging selfish. Bescause the truth is, she wanted Ariella to be out of Anthony's life.
Nung time kasi na kunin niya ang envelope na ay umiral ang pagnanais na tuluyan nang maalis si Ariella sa eksena. Kapag kasi nalaman ni Anthony na kakilala niya ang ex at nakipag-deal pa dito'y baka mag-bago ang tingin ni Anthony sa kanya.
Hindi niya kayang baguhin ang kung ano ang pagkatao niya. But if Anthony's willing to accept her, regardless kung anong pagkatao o buhay meron siya, ay lubos niyang ikagagalak. If not?? Then let it be. Atleast sumubok siya. Matapos man ang lahat sa pagitan nila'y wala siyang pagsisisihan kung sakali.
Kung ang envelope na iyon lang ang kailangan upang huwag na siyang guluhin ng dalaga'y ibibigay na niya. Then after, she will try to make things right.
Besides, hindi niya nagawa ang ipinapagawa nito sa kanya. She has the right to take back what she owned.
Nadatnan niyang nakaupo si Ariella sa may verandah ng restaurant. She was seating poisely habang nakatanaw sa labas. Nakasuot ng sunglass ito kaya hindi matantiya ni Cash kung ano ang ibinabadya ng mga mata nito.
Hindi man lang tuminag ang dalaga nang maupo siya sa katapat na silya. Bumaling ang mukha nito sa direksyon niya at matagal siyang tinitigan through her expensive sunglass.
Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-ilang. Mula sa malayo ay mapagkakamalan siyang assistant nito or worse isang fan na nanghihingi ng autograph. Ariella was overflowing with glamour sa kabila ng simpleng kasuotan. Nakabagsak ang mahaba at chesnut brown na buhok. At humahalimuyak sa mamahaling pabango.
"So you're having an affair with Anthony," bungad nito. Hindi ito nagtatanong kundi nangungumpirma.
Bumadha ang pagka-gulat sa mukha niya at sandaling natigilan. Nagtataka man kung paano nagkaroon ng ganoong idea ang babae'y itinaggi niya akusasyon nito. "N-nagkakamali ka, wala kaming relasyon"
"Wala pa sa ngayon pero base sa kilos niyo hindi iyon ang tingin ng iba." matabang na sabi komento at naglabas ng sigarilyo saka sinindihan.
Inilabas niya mula sa bag ang envelope na may pangalan nito at inilagay sa lamesa. Nagulat pa siya nang agad sunggaban iyon ni Ariella at niyakap na parang naka-depende doon ang buhay.
"Naibigay ko na ang gusto mo, siguro naman sapat na kabayaran na yan sa tulong na binigay mo sa pambayad ng ospital. Don't worry Ariella kung kulang pa yan babayaran ko nalang yung remaining balance ng sasakyan mo." Kung tutuusin sobra-sobra ng kabayaran ang betrayal na ginawa kong ito kay Anthony gusto sana niyang idagdag.
Natigilan ito sa una pero dahan-dahang ngumisi. "Yeah right. Nagui-guilty ka? Ano kayang gagawin ni Anthony kapag nalaman niyang ang babaengg kinagigiliwan niya ngayon ay isa palang magnanakaw?"

BINABASA MO ANG
Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap mo
Romance"Nevertheles, her eyes automatically close when she felt his warm lips claim hers in a very gentle and soft way." Sa murang edad ay namulat sa realidad ng buhay si Cash. Lumaki sa pangangalaga ng mga bakla at walang ideya kung sino ang mga totoong m...