Why Me?

4.1K 75 1
                                    

papunta na kaming Gym para mag P.E.

"Grabe nung kahapon inapakan mo ung paa ni luke tas ngayon naman sinuntok mo siya sa mukha!"sabi nitong si Liz sakin.

tss ganto naman talaga ako hindi ako nananampal at nananabunot basta-basta.

"Grabe Sis! Luke De Lapaz kinakalaban mo!"sabi naman sakin nitong si Ania tss Sis nanaman tawag sakin.

"Wala akong pake kung sino siya! Tss"sabi ko nandito na pala kami sa gym.

"Okay Class may announcement ako sa inyo!"sabi samin Ni Sir Panilas

lahat kami lumapit kay sir at nakikinig kung ano ung iaanounce nya.

"Magkakaroon ng Limang representative yung bawat klase para sa Basketball Girls edition"lahat ng kaklase ko nagbulong-bulungan.

"Bakit naman babae! eh ang aarte-arte ng mga babae dito sa class natin!"bulong sakin nitong si Ania.

"tiyak walang sasali dyan!"bulong pa ulet sakin nitong si Liz.

"Okay any representative?"tanong ni sir Panilas

wala parin sumasagot

"malaki ang madadagdag nito sa grade ng mga sasali!"dagdag pa ulet ni sir

biglang may nagtaas ng kamay

"Sir bkit hindi ginawang lalaki bakit babae pa!"tanong nitong si Marc.

"OO NGA!!!"sabi ng mga kaklase kong lalaki.

"Okay walang may gusto pwes ako ang pipili!"sabi ni sir at biglang tumango-tango.

"Martinez!"unang sabi ni Sir

"Sir! ano b--"hindi na pinatapos ni sir si Shirly nagtawag ulet sya ng panibago.

"Rivera!"

"HAAA!"sabi ni quennie gulat na gulat sya.

"Almadin!"

"Tiangco!"

"AT"pabitin si sir kainis.

"Santillan!"

"WHATTT!!!! why me!?"bakit ako? boyish ako pero hindi ako marunong magbasketball baka matalo team namin.

"Why are you Shouting Ms, Santillan." sabi ni sir naku napasigaw lang naman kasi ako sa gulat.

"Wala po sir nagulat lang!"sabi ko nalang sabay kamot ng ulo.

"Pachoosy kapa Tomboy!"sigaw nung isa kong kaklase si Elena yung pinakamaarte.

"Shut up Elena she's not Tomboy!"pagtanggol naman sakin nitong si Ania.

"you don't care if I call her Tomboy! tch" sabi ulet ni elena sabay talikod.

"bayaan muna magprapractice nalang ako mag-basketball"sabi ko kela Ania.

"Okay lahat ng pinili ko may Practice mamaya pagkauwian nyo na! pumunta kayo ng gym!"sabi ni sir

"Yes sir"sabay-sabay nilang sabi.

"Okay class Dismiss!"sabay talikod samin ni Sir.

"Ano bayan nag pang P,E pa ako hindi rin naman pala mag P-PE tch"sabi nitong si Marc.

"Kaya nga!"sabi naman nitong si alvin

nagbubulong-bulungan yung apat pang kasali na girls sa basketball pero ako hindi na nakisali dumiretso nalang kami sa Locker nila Liz para mag bihis.

"Good luck Kaye nice one!"sabi nitong si Liz sakin.

"Galingan mo!"sabi nitong si ania.

hindi naman sa ayaw ko ng basketball kaya lang hindi ako marunong sakatunayan nga yun yung gusto kong matutunan kaya lang biglaan lang talaga yung napasali ako ng di sa oras sa basketball.

"Naexcite tuloy ako na kinakabahan!"sabi ko kela ania.

"Haha bakit naman?"

"Kaya ko naeexcite kasi matututo na ako mag basketball kinakabahan ako kasi baka mapatalo ko yung game!"sabi ko kela Liz.

"Hay naku sis Mananalo kayo niyan tiwala lang"Ania

"Hay nako tara na nga!"sabi naman ni liz at umalis na kami sa locker.

pumunta na kaming classroom para sa mga iba pang subject natapos ito ng puro discussion hanggang sa nag-uwian na.

"Oh pano bye! Riyelle!"sabi sakin ni liz na parang nang-aasar.

"Bukas nalang ulet riyelle!"sabi naman nitong si ania.

tumango nalang ako "Uy tara na Kaye!" sabi ni Quennie.

"Tara"tas pumunta na kaming lima sa gym.

pagkapunta namin doon nadun na si sir Panilas.

"Okay ang una nating gagawin is  stretching!"tapos bigla siyang nagform na parang nagi-sretch ng katawan sinunod naman namin yung ginawa ni sir.

"Okay dapat hindi nyo papakalawalan ang mga kalaban nyo dapat may binabantayan kayo bawat isa!"Sigaw pa ulet ni sir panilas.

"Bwebwelo kayo at hahanap ng distansya para makashoot!"dagdag pa ulet ni sir.

Marami pa syang sinabi at nagpractice kami ng shooting

"okay bukas na yung laro kaya galingan nyo! Pwede na kayong umuwi!"

"Sir bukas agad!?"sabi ni Shirly tas nakabusangot na.

"Sir ang bilis naman bukas na agad!"dagdag ni Quennie

"Wala na tayong magagawa yun ang sabi ng head ng Basketball!"tas bigla na kaming tinalikuran. Nakakabigla naman bukas agad. Eh hindi pa nga kami masyado marunong. Matic na talo kami panigurado kainis!

"Aliyah,Cloue,Quennie,Rona and Kaye! Kaya natin ito para sa section A!"tas bigla siyang nagtaas ng kamay.

"Para sa section natin!"sabay sabay nilang sabi nakitaas nalang ako ng kamay at umuwi na pagkatas.

______________

End of Chapter 7

I Fell Inlove with a Badboy (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon