Lumipas ang ilang Linggo na matamlay ako. Bihira na lang makipag-usap sa mga tao. Nalaman na din ni daddy ang tungkol samin ni Luke at hindi naman niya ako pinagalitan ang sabi niya gusto niya lang daw makilala ito. Pero pano? Ngayong wala na kami ni Luke, oo wala na kami isang araw na nagkita kami at sinabi ko sa kaniya lahat na tapos na ang namamagitan saming dalawa. Umiyak siya sa harap ko at umiyak din ako pero wala akong magagawa eh sa sinaktan niya ako!
Bakit kasi sa dinami-dami ng nakilala ko siya pa yung taong mayroong Fiance na! Nakakainis lang kasi hindi niya sinabi sakin. Matatanggap ko naman kung hindi siya nagsinungaling pero bakit kailangan ko pang makita!
Naiinis ako sa sarili ko! Sa kaniya at sa lahat! Bakit ko pa kasi siya nakilala tangina nainlove kasi ako sa kaniya! Bumalik ulit ako sa dati yung Hindi nag-aayos pero ganun padin yung damit ko ang pinagkaiba nga lang ay hindi na talaga ako nag-aayos!
Mas gusto ko pang mabully kesa sa ganto... kasi sobrang sakit sakit sa pakiramdam para akong nabagsakan ng malaking bato! Sana bumalik na yung dati na tahimik lang yung buhay ko yung tipong mga nambubully lang saakin ang nang gugulo! Mas gusto ko payun kesa sa buhay ko ngayon! T,T
"Riyelle! Umiiyak ka nanaman! Kanina pa ako salita ng salita dito"sabi ni Liz
Bigla ko nalang siyang niyakap! Wala kaming pasok ngayon at malapit na rin ang Valentine oo ganun kabilis ang panahon, at dating gawi ayoko ng valentine!
Niyakap ko lang si Liz ng mahigpit at niyakap niya rin ako! Tas tinapik-tapik
"Bee nauunawaan kita ganiyan din ako nung sinaktan ako ni John"sabi niya at feeling ko umiiyak narin siya
"Bee ang sakit-sakit kasi na malaman na mayroon na pala siyang Fiance at kitang-kita ng dalawang mata ko ang mga pangyayari! Bee gusto ko kalimutan ang lahat ayoko na bee tulungan mo ako plsss" sabi ko sakanya at humagulgul
"Alam mo bee wag ka ng umiyak, sayang ang luha mo haller ang ganda mo pa naman. Sige ka baka wala na sayong magkagusto pag nakita kang ganiyan ang itsura. kadiri bee may uhog at sipon kapa iwww."sabi niya tas natawa naman ako
"Baliw, nakakapagbiro ka pa talaga ah!"
"Ayoko lang kasi kitang nakikitang umiiyak, at saka nagpapatawa lang ako para makita kitang ngumiti and look nakangiti ka nga!" Sabi niya
Ahhhh namiss ko si Liz. Siya kasi ang bestfriend ko since birth. Kaibigan ko na siya kahit nung binubully pa ako hindi niya ako iniiwan at lagi niya akong pinagtatanggol kaya mahal na mahal ko yang bestfriend ko eh.
"I love you bee. Namiss din kita yung tayong dalawa tas niyakap ko siya ulit
"I miss you too lesbi! Ahahahahaha"tawa niya at tinanggal ko na ang pagkakayakap sa kaniya
"Mhmmm naisip kong magpanglalake na suot! Matry nga" sabi ko tas binuksan yung closet ko na puro pang babae.
"Ayun!" Sabi ko tas kinuha yung Short na panglalake na pangbasketball at Vneck na damit. Hihi ito yung binili ko sa Men store kasi nagustuhan ko ang cool kaya tas nagvans lang ako na color blue and bengga! Japorms!
"Tara bee, para mawala pagkabrokenhearted mo mag mall tayo! Sa mall ko pwede mong kunin kahit anong gusto mo!"sabi ni liz
--
@mall
"Thanks dito! Aliza "sabi ko sa kaniya grabe ang dami naming pinamili.
"Tara kain na tayo!"sabi niya tas biglang kumaliwa ang tingin ka nakita ko ang Mcdo
"Mcdo tayo may treat" sabi ko tas hinila na siya papuntang mcdo
Nandito na kami sa Mcdo. Umupo kami sa may malapit sa salamin "Ako na oorder"pagpriprisinta ko ulet kay liz
Nakaorder na ako Dalawang large fries, mc flurry,burger at spagg.
"Ang saya talaga ngayon liz, medyo nakalimutan ko si luke kahit papaano."sabi ko
"Ano kaba bee hindi bagay sayo malungkot, bumalik kana kasi sa dating palaban at walang pake sa sinasabi ng iba hahah"sabi niya
"Hahaha"
"Excuse me!"mataray na sabi nung babae
Pagkaharap ko si Elena ano ginagawa ng isang to dito!
Bigla siyang naging mahinahon "umh Riyelle can we talk?"sabi niya
Tas bigla nalang siyang umupo sa tabi ni liz. "Im sorry for what i did to you, mhm masyado lang akong nachallenge dahil palaban ka at ang totoo gusto kong makipagkaibigan sayo dati pa kaso naunahan ako ng hiya at inaaway away kita. Sorry talaga riyelle"appologize niya at mukha namang sincere
"Eh bt mo pa inaway, tsss "pagmamataray ni liz
"Amh, sige elena pinapatawad na kita hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob eh."sabi ko tas bigla siyang ngumiti
"Talaga thank you kaye!"sabi niya tas bigla ba naman akong niyakap
Niyakap ko nalang din siya grabe ang sarap sa pakiramdam na may napatawad ka nakakagaan sa loob
"Amh sige i have to go. Magkikita pa kami ni mommy eh sige bye Kaye and Liz"
"Bye"sabi ko tas si liz inismiran lang siya
"Grabe anong nakain nun at biglang nagsorry sayo"sabi ni liz
"Bayaan mo na, at saka sincere naman siya sa mga sinabi niya eh"sabi ko
"Okay tara na!"sabi ni liz at umalis na kami sa Mcdo
Paglabas namin ng mcdo ang hindi ko inaasahang makita nakita ko pa tch parang biglang may kumirot ulet sa puso ko at kasama niya pa yung fiance niya
"Riyelle..."sabi ni luke tas lalapit sana siya
"Diyan ka lang! Wag ka ng lumapit parang-awa mo na"sabi ko
Si liz nasa tabi ko lang at nakahawak sa kamay ko para kung maiyak man ako nandiyan siya sa tabi ko
"Luke sino ba yan!"mataray na tanong naman ng fiance niya
"Siya lang naman ang babaeng mahal ng fiance mo! Bakit kapa kaso dumating sa buhay nila! Tchhh"sabi ni liz siya na yung sumasagot sakin kaso hindi ko na kaya hindi ako umiiyak pero nakatulala lang ako
"Mhm FYI kung sino kaman parang hindi ka naman mahal ni luke kasi kung mahal ka niya ipaglalaban ka niya! "Sabi naman nung fiance niya
Oo nga naman kung mahal ako ni luke bakit hindi niya ako pinaglaban bigla nalang akong tumkbo at namalaya kong tumutulo na pala luha ko
Hinabol ako ni liz at sumakay kami ng kotse niya
Umiiyak parin ako hindi na iyak hagulgul na sobrang sakit talaga habang tumatagal mas marami akong nalalaman tungkol sa kaniya
_______________________
End of Chapter 53
(A/N: Mga readers sorry talaga dahil superduperultramega late ko nang nag-update huho sana mapatawad niyo ko huho bte last 2 chapters nalang mga readers plssss magvote and comment pa kayo)