Chapter Forty Seven

453K 13.8K 2.8K
                                    

SASKIA

"Hi, Hazel. Kumusta ka na?" Pinilit kong ngumiti. Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Migs na nakahawak sa baywang ko na tila ba sinasabi sa akin na wala akong dapat ipag-alala.

"I am doing well. You have such beautiful girls, Saskia." Sandaling tumingin si Hazel sa kambal na abala na pinakikialaman ang gamit ng ama nila na nasa mesa. 

"S-salamat." Sagot ko.

Napalunok ako na tila ba nanunuyo ang lalamunan sa sinabi niya. Siguro maganda din ang anak nila ni Migs kung nagkaroon sila. Ako ang nanghihinayang para sa kanila. Ang daming paano ang tumatakbo sa isip ko. Mas bagay naman talaga si Hazel at Migs. Hindi ko mapagkakaila iyon nang makita ko silang magkasama sa kwartong ito kanina. Mas maganda silang tignan kasama ng kambal namin. Siya yung tipo ng babaeng ipagmamalaki talaga ng isang lalaki, lalong-lalo na ang katulad ni Migs.

"Ikaw? Kumusta ka na, Saskia?" Ngumiti siya sa akin. "It's been so many years..."

"Okay naman." Matipid na sagot ko.

"She's in her last year in college now. Can you believe that, Hazel? She's raising our Tintin and at the same time going to college?" Para siyang tatay na ipinagmamalaki ang anak niya. 

"I am so, so happy for you, Saskia. Nagulat ako nang malaman ko ang tungkol kay Tintin. Migs wouldn't stop talking about her. Hindi pa nga ako ganon naniwala until I saw her today." Kumawala ang mahinhin na tawa mula sa kanya. "I really want to catch up with you two and the twins but I'm running late. Nasa baba na ang sundo ko. It's been great seeing you and Tintin."

Pakiramdam ko nahipan na ng masamang hangin ang mukha ko at tila ba may bumanat nito at nilagyan ng mighty bond ang magkabilang sulok ng mga labi ko para pilitin akong ngumiti. Nakakangawit din palang magpilit ng ngiti. 

"Masaya din akong makita ka. Ang ganda-ganda mo pa rin." Sabi ko sa kanya.

Tumawa siya. "Ikaw din naman. Sa'yo nag-mana ang mga babies mo."

"Hey, what are you trying to say?" Sabi naman ni Migs.

"Kay Saskia naman talaga nila namana ang ganda nila. They only had your blonde hair." 

"They indeed have their mothers beauty but you can't deny the fact that they look like me." Pagmamalaki ni Migs.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay nagpaalam na si Hazel kay Savi at ganon din kay Tintin. Nakikita ko kung gaano kalapit sa kanya si Savi. Nandoon si Hazel at nasubaybayan niyang lumaki si Savi, bagay na hindi ko nagawa. 

"Well, I'll see you around." Sabi niya nang muling humarap sa akin at bumeso siya sa akin. "We'll do a lot of catching up the next time we see each other again." Pagkatapos ay nag-beso din sila ni Migs at naglakad na siya palabas nang silid na iyon dala ang bag at binder. 

"Ang bango naman ng dala mo. Amoy na amoy ko na." Malapad ang ngiting sabi ni Migs. "Let's see what you got there. I'm already starving."

"Sabi mo kailangan ka ni Coco dito sa opisina. Bakit iba ang kasama mo?" Malamig ang tonong sabi ko.

"Nagseselos na naman ang Mommy." Ngumisi si Migs at ikinulong ang baywang ko sa mga bisig niya. "There's nothing to be jealous of, Saskia. Masaya na si Hazel sa buhay niya at masaya na din ako sa inyo. This is just pure business. We've had a meeting earlier with the board and we decided to stay for a bit to talk about the machines that will be imported for the hydroelectric power plant. Magpartner kasi ang kumpanya namin sa paggawa ng project na iyon."

Para naman may maiintindihan ako sa sinasabi niya. Wala naman akong alam sa mga project na yan. Hindi naman ako kasing talino ni Hazel. Pinili ko na lang na manahimik. 

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon