SASKIA
"Hi, I'm Miguel Cordova. I called earlier for an appointment." Sabi ni Migs nang lumapit siya sa isang babaeng nakaupo sa likod ng mesa. Dinala niya ako sa pangmayaman ng ospital para ipa-check up ang baby namin. Yung mala-mamahaling hotel ang aura. Sabi niya kasi ito daw doktora na pupuntahan namin friendship na ng pamilya nila dahil ito din ang doktor ng Mama niya.
"Ah yes, Mr. Cordova. Pa-fill up na lang po ng form since new patient ang wife niyo." Sabi ng babae bago inabot sa kanya ang isang papel.
"Hindi po niya ako wife. Na ano lang." Mahinang sabi ko.
"Oh I see..." Parang naiilang na tumango ang babae.
"Come on, let's just sit down so we can fill up the form." Ikinawit ni Migs ang braso niya sa baywang ko at inalalayan ako paupo.
Nagsimula akong sagutin ang papel. Nilagay ko ang pangalan ko, ang birthday ko, at biglang kumunot ang noo sa sumunod na nabasa ko. Nag-aalinlangan na tumingin ako kay Migs na abala sa pagbabasa ng magazine sa tabi ko.
Agad naman niyang napansin iyon at lumingon siya sa akin. "Is everything okay?"
"Kailan ba yung huli tayong nag-ano?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Nag ano?"Kunot ang noong tanong niya.
"Yung inano mo ako. Ano'ng petsa yun?"
"What?" Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "What exactly are you asking about?"
"Itong nasa form." Pinakita ko sa kanya iyon.
Tinignan niya ito at binasa. Biglang may sumungaw na malapad na ngiti sa mga labi niya. "Ilagay mo na lang female."
"Bakit? Ano'ng konek? Sex nakalagay d'yan, o!" Nagdikit ang dalawang kilay ko.
"Sex can also mean gender." Paliwanag ni Migs.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at itinago ang mukha ko sa likod ng papel na hawak ko. Pag sa mga kapatid ko sanay na akong napapahiya ng ganito. Pero kapag kay Migs nahihiya pa rin ako. Ayaw ko naman mapahiya siya kapag kasama niya ako.
"May problema ba?" Lumingon ulit sa akin si Migs.
Dahan-dahan kong ibiniba ang papel at tumingin sa kanya. "Sorry ah. Siguro nahihiya ka kapag kasama mo ako kasi ang tanga ko."
Lumamlam ang mga mata ni Migs habang nakatingin sa akin at umiling. "Ayaw kong isipin mo yan. Hindi ka tanga, Saskia. You can't base a person's intelligence on language ability alone. Parang sinabi mo na din tanga ako kasi hindi ako fluent sa french."
"Ang tali-talino mo kaya. Alam mo pinagdadasal ko nga gabi-gabi na sana mamana ni baby niya sa'yo yun. Ayaw kong maging katulad ko siya." Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko at hinaplos ang maliit na umbok. Tuwang-tuwa nga ako nang makita ko 'to noong isang araw. Nagpapakita na si baby. Inokray na naman nga ako ng malditang bakla, sabi niya baka siomai lang daw na hindi natunaw sa tiyan ko itong umbok.
"I think you're a wonderful person who just happened to be in a bad place. You have a good heart, Saskia. Mabuti kang anak at kapatid. Mabuti kang tao. Wala naman masama kung maging katulad mo ang anak natin." Malumanay na sabi niya. Sa paraan ng pagsabi niya at pagtitig niya sa akin parang gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na mabuti akong tao. Na hindi ako kasing sama ng iniisip ng mga tao. Hindi lang ako isang anak ng puta. Hindi lang ako isang puta. Gusto kong maniwala pero may isang banda sa isip ko na nagsasabing hindi totoo iyon. Kasi kung totoo yun, wala sana kami sa sitwasyon na ito. Hindi sana ako pumatol sa lalaking ikakasal na at hindi ko sinira ang relasyon nila.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Ano bang maipagmamalaki ko sa anak natin? Dancer lang naman ako sa club, hindi ako nakapagtapos ng highschool, mahirap lang kami. Ang mapapagmalaki ko lang sa kanya yung mga plastik na trophy na napanalunan ko sa kung anu-anong beauty pageant sa baranggay namin."
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
Fiksi UmumMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...