SASKIA
Nakadapa si Migs sa tabi ko at ang isang bisig ay nakapulupot sa tiyan ko habang ako ay nakatulala sa kisame. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok dahil hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko kay Migs. Wala na ang baby namin sa tiyan ko. Nakatago sa kasuluk-sulukan ng cabinet ko ang abo niya.
Pumihit ang ulo ko kay Migs at sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya at nag-uunahan ang pagdaloy ng mga luha sa gilid ng mga mata ko. Para akong masisiraan ng bait. Nawala na ang baby ko sa akin at pwede din mawala si Migs sa akin kapag nalaman niya na ang totoo. Gumalaw si Migs at mahinang umungol bago ako hinatak palapit sa kanya at isiniksik ang ulo sa leeg ko.
"Bakit gising ka pa?" Paos ang tinig na sabi niya.
"W-wala..." Sagot ko at nagmamadaling pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Na miss lang talaga kasi kita."
"Oh, Saskia..." Tumawa siya ng mahina bago niya inangat ang ulo niya at siniil ako ng halik sa labi. "I missed you, too. I missed you so much. You and our baby were all I could think about while I was in a business trip. But I'm glad you're here with me now."
"Ayaw ko nang umalis ka. Huwag mo kong iiwan." Nanginginig ang boses ko sa pagpigil ng luha.
"I won't. Hangga't hindi ka pa nakakapanganak, hindi na ulit ako tatanggap ng kahit ano'ng business trip that requires me to be away from you for days. I promise. You better go to sleep. You need a lot rest, okay?"
Pigil ang luhang tumango ako. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko bago muling isinubsob ang ulo niya sa leeg ko at ipinulupot ang isang bisig sa akin. Maya-maya pa ay mahimbing na ulit siyang natulog.
Gusto ko pang makasama siya ng matagal. Ang mayakap siya ng ganito. Hindi ko na makakaya kapag pati siya nawala sa akin. Masama bang manghiram ng kahit konting oras pa na kasama siya? Ang manatili sa realidad na ginawa namin kasama ang magiging anak sana namin?
"Sinabi mo na ba?" Tinabihan ako ni Ninang habang nagluluto ako ng almusal namin. Natutulog pa si Migs sa kwarto ng iwan ko siya kanina. Malamang ay pagod na pagod iyon sa biyahe dahil dito siya dumiretso pagkagaling sa airport.
Iling lang ang naisagot ko.
"Bakit hindi mo sabihin?" Kunot ang noong tanong niya.
"Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang mawala siya. Wala nang dahilan para manatili pa siya kapag nalaman niyang wala na si Baby Migs." Basag ang boses na sabi ko.
Tumabi din sa kabilang gilid ko si Mammy. "Eh, paano 'yan? Malalaman at malalaman niya rin yan. Syempre, magtataka yun. Sa ngayon, kahit paano may umbok pa yan tiyan mo pero paano sa susunod na linggo?"
"Sasabihin ko naman sa kanya pero hindi pa ngayon."
"Kailan?" Usisa ni Ninang.
"Hindi ko pa alam..."
"Good morning po." Pare-pareho kaming nagulat nang marinig ang boses ni Migs. Agad na nagsialisan si Mammy at Ninang sa tabi ko at lumapit naman siya sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat ko.
"Good morning. Napasarap yata ang tulog mo, Migs." Si Mammy.
"Opo, Tita. Medyo jetlagged pa po ako." Tumawa siya ng bahagya. "What are we having for breakfast?"
"Longganisa saka itlog." Sagot ko.
"Kaya pala ang bango." Sabi niya bago inipit ang baba ko gamit ang dalawang daliri niya. "You look tired. Hindi ka nakatulog masyado?"
"Nakatulog..." Nagbaba ako ng tingin.
"Hindi ako naniniwala. I could feel you tossing and turning last night. It must be the pregnancy hormones, huh? Gusto mo bang magpatingin sa doktor?" May pag-aalala sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
General FictionMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...