SASKIA
"Saan ka galing?" Pagpasok ko sa bahay namin ay agad akong sinalubong ni Nanay at Ninang Jodie.
"Kagabi pa ako alalang-alala sa'yo, inaanak." Lumapit sa akin si Ninang. "Nawala ka daw pagkatapos mong magsayaw. Binigay na nga lang sa akin yung sweldo mo. Saan ka ba nagpunta? Ano na ang nangyari sa'yo?"
"Mammy..." Nanginginig ang boses na sabi ko.
"Bakit?" Agad rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya. Ikinulong ni Nanay ang mukha ko sa mga palad niya. "Hoy, ano ba ang nangyari?"
"Mammy, binigay ko na..." Mahinang sabi ko.
"Ang alin?" Tumaas ang boses niya.
"Yung... yung ano ko..." Ngumuso ako sa ibabang bahagi ng katawan ko. "Hindi na ko virgin."
"Ano?! Paanong— pinilit ka ba? Sino may gawa sa'yo nito? Ilan sila?"
"My, grabe kayo ah! Isa lang, syempre! First time ko pa lang 'to. Hindi pa naman ako expert katulad niyo." Agad na sabi ko.
"Umayos ka nga, Saskia! Seryoso ako! Hindi ito ang tamang panahon para sa mga biro mo!" Galit na sabi niya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ako pinilit. Ginusto ko. Sumama ako ng kusa."
Kalmanteng tumalikod si Nanay at nagkatinginan kami ni Ninang Jodie. Pagbalik ni Nanay ang may hawak na itong hanger at napasigaw ako ng ipalo niya sa akin iyon. Tumakbo ako palayo sa kanya at naglulundag sa lumang sofa namin para makaiwas. Sinubukan siyang pigilan ni Ninang pero patuloy pa rin siya.
"Naaaaaay! Aray, Nay! Ano ba? Masakit na yan!" Tumatakbo na ako palayo sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paghabol sa akin ng hanger at pagpalo. Kanina pa kami nag-iikot dito sa maliit na bahay namin. Halos bali-bali na ang hanger pero ayaw pa rin niyang magpaawat. "Nay, naman eh! Masakit na nga yung sa baba ko, sinasaktan mo pa ako."
"Paanong hindi sasakit yan, eh malandi ka!" Sigaw ni Nanay.
"Friend, tama na! OA ka na." Pumagitna sa amin si Ninang.
"Ano'ng tama na! Isa ka pang bakla ka! Akala ko ba hanggang sayaw lang, eh binugaw mo na yang anak ko." Galit na hinampas niya si Ninang sa braso.
"Nay, huwag mo na idamay si ninang. Wala siyang alam dun. It's my chosen."
Muling sumugod si Nanay sa akin at sinubukan akong hampasin ng hanger pero mabilis na hinarang ni Ninang ang katawan niya sa akin. "Sasha, tigilan mo na yung bata."
"Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo ha? Iningatan kitang gaga ka para hindi ka matulad sa akin." Parang nanghihinang sabi ni Nanay. Isinuklay niya ang mga daliri niya sa gulo-gulo niyang buhok.
"Eh hindi naman po ako katulad niyo. Mayaman yung sa akin, Nay. Low class lang mga kostumer. Tignan mo nga, oh! Binayaran naman niya ako ng one hundred kyaw." Pinakita ko sa kanya ang cheke na ibinigay sa akin.
Nanlaki ang mga mata ni Nanay at dahan-dahan na lumapit sa akin. Kinuha niya ang papel at nagulat ako ng isinampal niya ito sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko. "Aray naman, nay! Nabasag yata hearing drums ko!"
"Tanga ka talaga! Paano ka nakakasigurong totoong cheke nga itong ibinigay sa'yo. Minsan, Saskia, hindi ka talaga nag-iisip. Dapat pera ang tinanggap mo, hindi papel! Pera!" Napuno ang buong bahay ng sigaw ni Nanay.
"Akin na nga. Patingin!" Kinuha ni Ninang ang cheke mula kay Nanay. "Eh mukha naman totoo ito. Di bale, sasamahan kitang pumunta sa bangko mamaya. Papalit natin 'to."
"Ikaw, bakla ka, ikaw may kasalanan nito eh! Sabi ko sa'yo ingatan mo ang anak ko." Naiiyak na sabi ni Nanay. "Tignan mo ang nangyari!"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at lumapit sa kanya. Kahit anong hirap ang napagdaanan namin noon hindi siya nagpakita sa amin na umiiyak siya o nanghihina. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Niyakap ko siya. "Huwag ka na magdrama. Na-ano lang ako, hindi naman ako namatay."
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
Narrativa generaleMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...