SASKIA
"Aling Loida!" Kinatok ko ang gilid ng tindahan na gawa sa kahoy. "Aling Looooiiidddaaaa!"
"O, ano? Uutang ka na naman?" Nakapamewang na lumaba ang matandang babae na may hawak na pamaypay na gawa sa abaka. "Nako! Saskia, ang haba na ng listahan niyo sa akin, ilang buwan na 'tong utang niyo. Magtataon na nga eh. Ito naman si Wendell na tanga pautang ng pautang porke—"
"Aling Loida, kaya nga ako nandito para magbayad ng utang." Sabi ko.
Natahimik ang babae at tinitigan ako. "Ikaw magbabayad? May himala nga."
"Ito naman si Aling Loida. Magbabayad na nga ako, sinosoplak niyo pa ako. Magkano na ba utang ko sa inyo?"
Nilabas niya ang calculator niya at listahan ng mga utang. Pagkatapos ay pinakita niya sa akin. "O, yan! Eight hundre seventy-five."
"Yun lang pala? No problem!" Naglabas ako ng isang libong papel.
Kunot ang noong kinuha ni Aling Loida ang papel. "Aba, totoo ngang marami na kayong pera."
"Syempre naman, aling Loida. Mayaman na kami. If there's a will, it goes round and round."
"Ewan ko sa'yo. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. O siya, siya." Pinaypayan ng matanda ang sarili niya.
"Aling Loida..."
"Ano pang kailangan mo?"
"Change is coming."
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Saskia?" Sumimangot ito.
"Yung sukli ko, Aling Loida!"
"Oo nga pala." Napakamot na lang siya ng ulo bago nilabas ang kaha niya at pagkatapos ay inabot niya sa akin ang sukli.
"Salamat, Aling Loida. Next time ulit." Sabi ko. Bago ako makaalis ay biglang lumabas si Wendell. May tagusan kasi papunta sa tindahan mula sa bahay nila.
"Saskia, sandali." Pigil niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako pabalik sa bahay.
"Hoy, Wendell! Bumalik ka nga ditong bata ka." Tawag ni Aling Loida sa anak niya pero hindi siya pinansin nito.
"O, bakit na naman? Baka pagalitan ka pa ng Nanay mo saka baka di na ko pautangin nun sa susunod. Alam mo naman ayaw nun na nakikitang lumalapit ka sa akin." Nagpatuloy ako sa paglakad at humabol siya sa akin.
"Totoo ba yung balita?"
"Ano na naman?" Umikot ang mga mata ko.
"Na... na katulad ka na din ng Nanay mo. Kaya marami na kayong pera kasi nag..." Napahinto siya.
"Kasi nagpopokpok ako?" Kaswal na sabi ko.
Hindi siya kumibo.
"Ano naman kung totoo iyon? Ano ba talagang nakukuha niyo sa pangingialam sa buhay namin mag-iina? Nabubusog ba kayo ng mga chismis?" Bumuntong-hininga ako.
"Nag-aalala lang naman ako para sa'yo. Saskia, hindi mo kailangan gawin iyon. Nandito ako para tulungan kayo. Pumayag ka lang na maging akin. Ako na ang bahalang bumuhay sa'yo at sa pamilya. Hindi mo kailangan magbenta ng katawan para buhayin sila."
Napahinto ako at humarap sa kanya. Pumamewang ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Sa tingin mo mabubuhay mo ang pamilya ko sa pagguguwardiya mo? Nagpapatawa ka ba? You want is not just just. I'm sick of tired of poorness."
"Ano?"
"Sabi ko yung gusto mo hindi basta basta. Pagod na ako sa kahirapan. Isa pa yan, you can not know how to english. Paano kita magugustuhan niyan? Gusto ko sosyal at mayaman na mapapangasawa. Yung kayang ibigay ang mga gusto at pangangailangan ng pamilya ko."
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
Fiksi UmumMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...