Chapter Twenty Nine

403K 12.5K 3.9K
                                    

"Nakaisip ka na ba ng pangalan para kay baby?" Tanong niya sa akin habang nakapulupot ang mga bisig niya sa akin at nakadantay ang likod ko sa dibdib niya habang nakahiga kami sa kama. Nagiging normal na kay Migs na dito siya natutulog, lalo na kapag ginagabi na siya. Nasasanay na din akong magkatabi kaming natutulog at kapag wala siya hinahanap-hanap ko ang init ng katawan niya sa gabi. Lalo na kapag malamig. Pero walang ibang kahulugan yun ah, minsan lang yung nangyari sa amin na yun. Hindi pa siya nauulit uli. Ginagalang niya ako bilang babae at anak ng ina niya. Hindi katulad ng sabi ni Ninang na parausan niya lang ako.

"Mmm..." Nag-isip ako sandali. "Gusto ko pag lalaki, kapangalan mo. Miguel din."

"Are you sure about that?" Tanong niya.

Pinihit ko ang ulo ko para tignan siya. "Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Naisip ko lang, ilang generation na ang napagdaanan ng pangalan na yan. Do you know that I was named after my grandfather?" Tumawa siya ng mahina.

"Eh di mas maganda. Pangatlong Miguel na pala si Baby Miguel natin." Humagikgik ako.

"Talagang Miguel na?" Rinig ko ang ngiti sa boses niya. "Paano pag babae? Should we name the baby Saskia?"

"Ayoko nun." Nalukot ang mukha ko. "Gusto ko yung sosyal. Yung tunog mayaman.""

"I think Saskia's a beautiful and unique name. I like it." 

"Ah, basta. Ayoko. Parang panlasing na Sasha yung pangalan ko. Siguro nga nung tinatanong si mammy kung ano ipapangalan sa akin, akala niya pangalan niya tinatanong sa kanya tapos sabog pa siya sa gamot." 

"What should we name the baby if it's a girl, then?" 

"Tulungan mo naman ako mag-isip ng pangalan. Yung maganda saka sosyal." 

"How 'bout Savina?" Sabi niya.

"Savina." Ulit ko at tumango-tango ako. "Gusto ko yan, ah. Tunog Alta talaga. Savina Cordova."

"I like it." 

"Ano'ng gusto mo talaga, Migs? Lalaki o babae? Bawal yung kahit ano. Isa lang dun. Yung hinihiling mo talaga."

"I want a boy. Dad used to tell me that its more stressful to raise a daughter. He worries more about my sisters dating, getting pregnant young,or being used and hurt. At yung nangyari pa ky Audrey noon..." Bigla siyang tumahimik.

"Sino nga ulit si Audrey? Nabanggit mo na siya dati pero hindi ko maalala. Ano'ng nangyari sa kanya?" Usisa ko.

"Si Drey ang kambal ni Coco. May nangyaring masama kasi kay Audrey noon." Bumuntong-hininga siya na para bang hirap na hirap siyang ilabas kung anuman ang gusto niyang sabihin. "Basta kung anuman ang baby natin, mamahalin at poprotektahan ko siya higit pa sa buhay ko, Saskia."

"Alam ko naman yun. Magiging mabuti kang ama sa baby natin. Hindi pa nga siya naipapanganak, binubusog na siya ng pagmamahal ng daddy niya." 

Hinaplos ni Migs ang umbok ng tiyan ko at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. "I know you'll be a good mom, too."

"Sana nga, Migs. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin sigurado yung kapasidad ko maging ina. Paano kung magkamali ako sa pagpapalaki sa kanya? Paano kung pintasan siya ng mga tao kasi galing sa ninuno ng mga pokpok ang nanay niya? Paano kung malaman niyang agogo dancer lang ako noong nagkakilala tayo at nabuo siya dahil inakit kita sa stag party mo?"

"Don't think about all those. Hindi mahalaga ang mga pagkakamaling nagawa mo... natin. Our baby will see you as you really are. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakarinig ng pintig ng puso mo mula sa loob mo. Siya ang higit na nakakakilala sa'yo. Alam niyang na sa kabila ng lahat ng pagkakamaling nagawa natin ay malinis pa rin ang puso mo. Iisipin niyang maswerte siya dahil may ina siyang kayang  gawin ang lahat para sa kanya at mahal na mahal siya. Saskia, hindi lang ikaw ang nagkamali. Ako din. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil pareho natin ginusto iyon. Hindi mo ako inakit. I wanted it as much as you did, maybe even more. I shouldn't have touched you but I wanted you so bad." Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga, ramdam ko ang hininga niya sa sensitibong parte ng leeg ko. "Please don't look down on yourself like that."

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon