SASKIA
Tahimik ang mesa. Parang gusto kong humithit kahit isang stick ng yosi lang. Huling yosi ko hindi ko pa alam na buntis na ako kay baby Migs noon. Mula noon, tumigil na ako sa paninigarilyo.
"Sino naman ang may sabi sa'yo na hahayaan namin na kunin mo si Tintin?" Umarko ang kilay ni Ninang Jodie na kasing nipis ng .2 ballpen. Kakikilay lang kasi sa kanya noong kapitbahay namin kagabi.
"I am Bettina's father. May karapatan ako sa bata." Mariin na sabi ni Migs.
"Basta ba ibibigay mo sa amin si Savina." Nanghahamon na sabi ko. Gusto kong malaman niya na hindi ko ganon-ganon lang ibibigay sa kanya si Tintin dahil alam kong hindi rin niya ibibigay sa akin si Savina.
Humugot siya ng malalim na hininga bago sunod-sunod na umiling. "Savina is mine."
"Akin din si Tintin!"
"Nag-angkinan na kayo ng kanya-kanyang anak. Quits na kayo." Sabi naman ni Mammy.
"O, bato-bato pik na lang. Sino'ng unang maka-tatlo, mapupunta sa kanya ang kambal." Nagawa pang mang-okray ng malditang bakla.
"Bakit hindi na lang kasi kayo sumama sa akin, Saskia? You and your family. You know I am very financially capable in supporting my daughters. Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa kanya." Sabi ni Migs.
"Ano? Pera-pera na lang ba? Oo, mahirap kami. Hindi ko naibibigay ang lahat kay Tintin pag dating sa mga materyales pero lahat ng lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay ay binuhos ko sa kanya. Huwag mo akong aakusahan na nagkulang ako sa pagpapalaki sa anak ko." Hindi ko na napigil ang emosyon ko.
"Anak ko din siya." Mariin na sabi ni Migs.
"Ate, bakit hindi na lang kasi tayo sumama kay Kuya Migs? Kawawa naman si Tintin at Savina kung maghihiwalay na naman sila. Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" Sabi ni Yuka.
"Nako, huwag mong demonyohin yang Ate mo, Yuka! Sinasabi ko sa'yo. Puro sarili mo ang iniisip mo. Kung gusto mo ikaw ang magpakangkang kay Migs at magpabuntis sa kanya. Tapos kapag nagkaanak kayo ikaw na sumama sa kanya at tumira sa bahay niya." Sabi ni Ninang.
Nasamid si Migs sa sarili niyang laway at naubo.
"Alam mo kung hindi lang nakakadiri kasi natikman niya na si Ate at may anak na sila. Bakit hindi?" Umirap si Yuka.
Lalong napaubo si Migs. At mukhang siya pa ang nahiya sa pinagsasabi ng dalahira kong kapatid at ninang.
"Ninang, Yuka, tumigil na nga kayo. Kung anu-anong sinasabi niyo. Ang kambal ang pinag-uusapan dito." Saway ko sa kanila.
"Ipapaalala ko lang, Migs, ikaw ang nagtaboy sa anak ko. Wala ka noong naghihirap siyang magbuntis sa kambal at wala halos wala kaming maibayad sa kumadronang nagpaanak sa kanya. Kaya wala ka rin karapatan kunin sa amin si Tintin." Sabi ni Mammy.
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
Ficción GeneralMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...