Chapter Thirty Three

376K 11.6K 3.7K
                                    

SASKIA

Isang milyon. Iyon ang halagang nakasulat sa chekeng hawak ko ngayon. Ang nilagay ni Hazel na halaga doon. Sabi niya pwede na daw akong makapagsimula nang bagong buhay sa halagang ito. Mabibigyan ko na ng magandang buhay ang pamilya ko at mapapagpatuloy ng mga kapatid ko ang pag-aaral nila sa magandang eskewelahan. Magiging impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuksong kunin na lang iyon at magpakalayo-layo na. 

Mahal ni Migs si Hazel. Si baby Migs lang naman ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa tabi ko at ngayon wala na ang anak namin, wala na siyang dahilan para manatili dito. Iiwan niya ako at babalik siya kay Hazel. Naisip ko sina Yuka at Cosme, ang pag-aaral nila at kinabukasan. Ang laki ng ginanda ng buhay namin mula nang makilala ko si Migs. Nandon ang kagustuhan ko na huwag silang maibalik sa hirap. Gusto kong magkaron sila ng magandang kinabukasan. Ayaw kong sumunod si Yuka sa yapak ko at ni Mammy.

"Kuya Migs, ikaw na." Sabi ni Cosme habang naglalaro kami ng scrabbles sa salas. Sabi ni Migs maganda daw itong larong ito para mas mahasa ang english ko pero wala akong gana maglaro at hindi ako mapakali. Hindi matanggal sa isip ko ang pag-uusap namin ni Hazel. 

"Saskia..." Nag-angat ng tingin sa akin si Migs habang nakatayo ako at nanonood sa kanila. "What are you doing there? Halika nga dito."

"Uminom lang akong tubig sa kusina." Sabi ko at lumapit sa kanya.

"We started the game already. Tulungan mo ako dito." Hinawakan niya ang kamay ko at maingat na hinatak ako paupo sa kandungan niya. "Ito ang mga letters natin. We need to form a word with these na pwedeng i-connect sa mga word na nasa board." 

"Uy si Ate at Kuya, titingin lang ng mga letters, kailangan nakakandong pa." Nakangising asar ni Yuka sa amin. 

"Mag-asawa na ba kayo ni Ate?" Tanong ni Cosme.

"Akala ko ba matalino ka? Kapag kinasal na, mag-asawa na sila. Hindi pa naman kinakasal si Ate. Boyfriend pa lang ni Ate si Kuya Migs, hindi ba, Ate?" Tumingin siya sa aming dalawa. 

Natahimik ako. 

"Right." Sumagot si Migs. 

"Hindi ba kapag nakatira na sa iisang bubong mag-asawa na? Bakit yung kapitbahay natin. Tumira lang si Nonoy doon sa bahay nung girlfriend niya, mag-asawa na sila. Hindi naman sila kinasal." Natural na kay Cosme ang pagiging matanong kapag may hindi siya naiintindihan na bagay. Kaya nga matalino yan, kasi hindi yan titigil hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot.

"Eh kasi nga, hindi naman nila kayang magpakasal. Wala silang datong. Doon sa atin, kapag tumira na kayo sa iisang bahay, mag-asawa na kayo. Pag mayaman, live-in partner pa lang." Sagot naman ni Yuka. 

Tumawa nang bahagya si Migs bago ako dinampian ng mabilis na halik sa balikat. Tumingin ako sa kanya at sinuklay ang mga daliri ko sa mala-ginto niyang buhok.

"Mag live-in partner na kayo, di ba?" Tanong ni Yuka sa amin. Nagkatinginan kami ni Migs sa mata at muli siyang natawa. Daig ko pa ang tineydyer na nginitian ni crush sa nararamdaman ko ngayon. 

Bumalik ang atensyon ni Migs kay Yuka. "You know a lot, don't you? Your Ate and I are temporarily living together so I can take care of you and our baby."

Bigla akong hinatak pabalik sa realidad. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nagising ako sa ilusyon ko. Bumaba ang isang kamay ni Migs sa tiyan ko at parang gusto kong mapaurong. Ayaw kong makahalata siya.

"Tulog na tayo." Aya ko kay Migs at tumayo na mula sa kandungan niya. Nakokonsensya ako sa pagtago ko sa kanya tungkol sa totoong nangyari sa anak namin. Pero natatakot din akong sabihin sa kanya. Walang kasiguraduhan sa magiging reaksyon niya o sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya ang totoo. 

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon