Chapter Forty Nine

465K 14.7K 3.9K
                                    

SASKIA

Nahilam ang mga mata ko sa luha habang nakatitig kay Migs na ngayon ay nakaluhod sa harap ko. Parang gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam na tila ba ipinagsisigawan niya sa mundo na mahal niya ako. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako tinatago at hindi na maling mahalin siya. 

"Mommy." Hinatak-hatak ni Tintin ang dulo ng suot kong bestida at napalingon ako sa kanya. "Um-oo ka na. Ang haba na nga ng hair mo!"

"Say yes, Mommy!" Lumundag-lundag si Savi sa sobrang excitement.

Muling bumalik ang tingin ko kay Migs at parang nagmamakaawang lumabi siya sa akin. Bahagya naman akong natawa sa ginawa niya at ikinulong ang mukha sa mga palad ko. Bumaba ang ulo ko sa kanya para bigyan siya ng halik sa labi.

"Yehey!" Narinig kong sigaw ni Tintin at Savi kasunod noon ay ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin.

Tumayo si Migs nang hindi hinihiwalay ang mga labi sa akin, ipinulupot niya ang mga bisig niya sa baywang ko at binuhat ako.

"I promise, you won't regret this." Bulong niay habang magkalapit ang mga labi namin. "I love you, Saskia."

"Mahal din kita, Migs." Siniil ko siya muli ng halik sa labi.

Tuloy ang kasiyahan pagkatapos ng speech na iyon ni Migs. Para pa rin akong nakalutang sa alapaap nang hilahin ako ni Migs papunta sa mesa kung saan magkasamang nakaupo ang pamilya namin. Si Tintin at Savi naman ay nagmamadaling bumalik sa mga pinsan nila para makipaglaro.

"Bakit hindi mo pa ginawang marriage propasal, Kuya?" Tanong ng kapatid niyang si Audrey. 

"As much as I would like to ask her to marry me and I would love to marry her first in the morning tomorrow, I know we have a long way to go. I want to be able to still court her and win her mind, soul, and heart." Tinitigan ako ni Migs na para bang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. 

"Sabi mo yan, ha? Liligawan mo pa rin ako." Biro ko.

"Araw-araw kitang liligawan at pagsisilbihan hanggang sa huling hininga ko." Dinala niya ang kamay ko na nakasalikop sa kanya sa mga labi niya. "I'm going to love you and our kids like it's my only mission in life."

"Speaking of kids, when are we going to have another grandchild?" Nakangiting tanong ni Sir Phoenix.

"Nako, sir, matagal-tagal pa." Namumulang sabi ko.

"Please, don't call me sir. Mula ngayon Dad na ang itatawag mo sa akin. You're a part of this family as much as Tintin."

"And you can call me Mama." Sabi ni Ma'am Cassie.

Nahihiyang tumango ako sa kanila. Kahit sa panaginip hindi ko naisip na matawag na Mama at Dad ang mga magulang ni Migs. Ang sarap sa pakiramdam na alam kong tanggap na tanggap ako ng pamilya ng lalaking mahal ko at ama ng mga anak ko. 

"She's graduating next year, Ma, Dad. Iyon muna ang priority namin ngayon. She's work so hard for this and I don't want to take this away from her. I know she'd be a wonderful teacher someday." Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Oh, a teacher. What a noble profession." Ani Ma'am Cassie... este, Mama Cassie pala.

"Iyon po kasi talaga ang pangarap ko bata pa lang ako. Akala ko nga po hindi na matutupad, pero heto nga po isang taon na lang ang layo ko mula sa pangarap ko." 

"Ano ba ang teaching specialty mo? Kung SPED teacher ang gusto mo, pwede ba namin ipasok si Ronnie sa klase mo?" Sabi ni Coco habang kumakain.

"HEY!" Nalukot ang mukha ni Ronnie.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon