Chapter Forty Four

578K 17.5K 10.9K
                                    

SASKIA

"Halika, pasok ka, Neil. Dito ka na maghapunan." Aya ko sa kanya nang ihatid niya ako. Kami halos magkasama buong araw. Ako ang assistant niya ngayon, tumutulong ako sa pagresearch para sa librong sinusulat niya para sa eskwelahan. 

"Oo ba." Nakangiting sagot niya. "Ang sarap magluto ng Ninang mo. Pero syempre, mas masarap pa rin ang luto mo."

"Ikaw talaga, Neil. Baka maniwala ako niyan." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Hi." Pareho kaming nag-angat ng tingin at nakita si Migs na nakatayo sa may pinto, nakasandal sa frame nito at nakahalukipkip. 

"Good evening. You must be Savina and Tintin's father." Ngumiti si Sir Neil sa kanya. Hindi naman talaga mapagkakailangan anak ni Migs ang kambal. Aminado naman akong mas kamukha nila ang ama nila. Isang tingin mo pa lang alam mong siya na ang tatay ng dalawa. 

"Yes, I am." Blangko ang ekspresyon sa mukha at boses niya at tumingin sa akin. "The kids and I were getting ready to pick you up. Hindi mo naman sinabi na may maghahatid pala sa'yo."

"Hindi ko naman alam saka hindi niyo naman ako kailangan sunduin. Kahit naman wala si Neil pwede naman akong magcommute." Sabi ko.

"I picked you up yesterday." May bahid ng inis sa boses niya.

"Malay ko ba kung susunduin mo ko ngayon. Hindi naman ako manghuhula." Sagot ko bago tinuon ang atensyon ko kay Neil. "Halika na nga, Neil. Nang makakain na tayo."

Nilampasan namin siya at nagtuloy-tuloy kami sa pagpasok sa loob. Naabutan namin sina Tintin at Savi na abala sa paglalaro ng mga maynika nila. Natigilan ang dalawa nang makita kami at nag-uunahan lumapit sa akin.

"Mommy!" Yumakap si Savi sa akin.

Hinalikan ko siya sa tuktok ang ulo niya.

"Akala ko ba aalis tayo ni Daddy?" Nakasimangot na sabi ni Tintin.

Lumapit ako kay Tintin at binigyan din siya ng halik. "Hindi naman nagsabi ang Daddy mo sa akin."

"May surprise bang sinasabi?" Kumunot ang noo ng anak ko. "Dapat kasi sosorpresahin ka namin, susunduin ka sana namin sa school tapos kakain tayo sa labas. Binihisan pa nga kami ni Daddy."

"Hindi ko naman po kasi alam." Sabi ko.

"That's okay, Mommy. We can still have dinner here. " Nakangiting sabi ni Savi. "Nagcook si Lola Mammy ng tinola."

"Masarap yan. Saka gagastos pa kayo kung kakain kayo sa labas." Ani Sir Neil.

"Don't worry. Marami naman akong panggastos kaya wala kaming problema dun." Nakahalukipkip na sabi ni Migs.

"Alam ko naman na may pera ka, p're, but I'm talking about practicality." Kibit-balikat na sabi ni Sir Neil. 

"Hindi naman sigurong masamang ilabas ko ang mag-iina ko paminsan-minsan. I value the moment I spend with them more than practicality. They deserve the very best." 

"I can't agree with you more, man. I'm not stopping you from taking Saskia and the girls out. Ang sinasabi ko lang kung may pagkain na dito sa bahay nila, okay lang kahit hindi na lumabas para kumain." 

Agad kong naramdaman ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung magtinginan sila akala mo bigla na lang mananapak ang isa sa kanila kaya pumagitna na ako. 

"Sa tingin ko, ready na ang pagkain. Tara na, kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom." Sabi ko sa kanila. 

Dinala ko ang mga anak ko sa mesa at inupo doon. 

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon