8 • Boyfriend, Girlfriend • 8

35.5K 944 19
                                    

JD's POV

Hindi inaprubahan ni Mason ang leave na hinihingi ko pero pinayagan naman niya akong mag - off buong araw. Kahit minsan naiinis ako sa boss kong iyon, considerate din naman siya pagdating sa pamilya. Nang matapos ko ang lahat ng mga kailangan kong gawing personal, umuwi ako sa bahay ng magulang ko.

Naabutan ko si tatay na kumakain ng hapunan ng dumating ako sa bahay.

"O? Kumain ka na James," sabi niya sa akin.

Nagmano muna ako sa kanya bago ako naupo malapit sa kanya. Sinigang na baboy ang nakahain sa mesa. Mukhang naramdaman ni nanay na darating ako kaya ito ang ihinandang hapunan.

"Wala ho kayong pasok? Si nanay ho?" Tanong ko. Sumandok ako ng kanin at sinabayan ko si tatay na kumain.

"Maaga lang akong umuwi. Nasa date kasi ang amo ko at mukhang 'yung ka - date na niya ang maghahatid sa kanya," sagot niya sa akin.

"'Tay, si Lucia Anne Oligario ba ang boss mo?"

Tumingin siya sa akin at tumango.

"Balita ko may ugali daw 'yun, ah? Bakit hindi pa kayo mag - retire? Sobra - sobra na ho ang pensiyon 'nyo. Binibigyan ko pa kayo," sabi ko.

Ngumiti sa akin si tatay.

"James, hindi ko naman basta - basta maiiwan si Lucy. Malaki ang utang na koob ko sa ama niya. At isa pa, wala ng pamilya ang batang iyon. Silang dalawa na lang ng kapatid niya."

"O? Wala na kayong pakielam doon. Puwede naman siyang maghanap ng bagong driver. 'Yung mas malakas. Mas bata sa inyo."

Sumeryoso ang tingin sa akin ni tatay. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Pamilya na ang turing ko sa magkapatid na iyon. Saka malakas pa ako."

Alam kong sumama ang loob niya sa sinabi ko.

"Wala naman hong ibig sabihin ang sinabi ko. Nabalitaan ko lang kasi na may ugali daw iyon. Baka pati kayo hindi nirerespeto. Alam 'nyo naman na ayoko ng binabastos kayo."

"Mabait si Lucy. Nakita kong lumaki ang batang iyon. Nagbago lang ng mamatay ang ama niya. Ang nanay naman niya nawala na lang bigla ng ipanganak ang kapatid niya. Ako lang at si Yoyie ang pinagkakatiwalaan niya. Hindi lang siya maintindihan ng mga tao."

Natawa ako. Mabait? Eh sa reports na nabasa ko talagang isinusuka si Lucy ng mga empleyado niya. Kaya lang maraming nagtitiis kasi maganda ang compensation. Pero kung magsisante ng tao, para daw nagpapalit ng damit.

"Sa sobrang subsob niya sa trabaho, sa sobrang ingat niya para hindi malugi ang kumpanyang naiwan ng daddy niya, nagbago si Lucy. Maagang naatang sa kanya ang responsibilidad ng kumpanya at kapatid niya. Naging masungit, laging iritable, laging galit. Pero alam kong sa kalooban niya, naroon pa rin ang batang nakita kong lumaki na mabait, masayahin." Mahabang paliwanag ni tatay.

Nakita kong lumabas mula sa kusina si nanay.

"O? Nandito ka pala. Kain ka na," sabi niya sa akin. Nagmano din ako kay nanay.

"Tinatanong ko lang si tatay kung bakit ayaw pa niyang mag - retiro," sabi ko.

"Eh, ikaw. Bakit hindi mo pa sinasabi sa amin ang totoo mong trabaho?" Balik - tanong ni tatay.

Hindi ako nakasagot. Natawa si nanay at iniwan kami.

"Sabi ko naman ho, security ako sa isang mayamang pulitiko." Pagsisinungaling ko.

"Sino?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay tatay. Driver ang tatay ko pero malupit pa sa pinakamagaling na imbestigador, magtanong ito. Naipagpasalamat kong tumunog ang telepono ko.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon