Lucy's POV
Sabi ni Doctor Tanaka, once I had sex mare - relax na ako. Pero bakit ganoon? Bakit parang mas nag - alala pa ako ngayon? Bakit parang mas tumindi pa ang stress na nararamdaman ko?
I am just lying quietly on the side of the bed trying not to make any movement. JD is sleeping on the other side of the bed his back turned away from me snoring a bit. At mas gusto ko iyon kasi hindi ko yata kayang humarap sa kanya matapos ang nangyari sa amin.
Kagagahan ang ginawa ko tapos ito at parang nagsisisi ako. Wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko. Ako ang nagbigay ng motibo kay JD. Ako ang agresibo. Ako ang nagwawala at nagpupumilit. Pinagbigyan lang niya ako.
Gusto kong umalis sa kinahihigaan ko pero natatakot akong gumawa ng kahit na anong movement kasi baka magising siya. I looked for my phone at the bedside table at mabuti na lang ay nandoon iyon. Hindi ko alam nabitbit ko pala kagabi kahit naglilingkisan na kami ni JD.
I dialled Jas number kahit pasado alas kuwatro lang iyon ng umaga. Wala akong pakielam kahit na nga natutulog pa siya. Talagang iistorbohin ko ang tulog niya dahil siya ang madalas na gumagawa ng ganito.
"This better be an emergency," her voice is raspy. Halatang naistorbo ang tulog niya.
"I need your help," mahinang - mahina ang boses ko.
"Lu? Why are you whispering?" Tanong niya.
"I did it. I did it with him." Halos ako lang ang nakarinig ng sinasabi ko.
Wala akong narinig na sagot kay Jas pero nakarinig ako ng pagkaluskos na parang may nangyayari. Siguro ay nag - ayos si Jas.
"What? What happened? What did you do?" This time parang maayos na siya. Parang nagising yata siya sa sinabi ko.
Marahan kong nilingon si JD at naipagpasalamat ko na mahimbing pa rin siyang natutulog.
"I had sex last night."
Ang lakas ng tili ni Jas. Marahan ko pang inilayo ang telepono sa tenga ko.
"For real? Kay JD? Oh my god, Lu! I am so proud of you!" Tuwang - tuwa si Jas.
"I don't know what to do? Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. This changes everything."
"Will you stop whispering. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo." Reklamo sa akin ni Jas.
"I can't talk louder. He is sleeping on my bed."
Malakas ulit na tumili si Jas tapos ay humahalakhak siya.
"Jas, what will I do?"
"What will you do? Just act normal. Parang normal lang ang nangyari sa inyo. Don't talk about it unless it was a big deal to you," sagot niya.
"Of course it was a big deal to me. It was my first time."
"Dear uso na 'yan ngayon. Magiging big deal lang 'yan kung may feelings ka sa lalaking naka - do mo."
"What?" Ganoon ba iyon? Damn it. Bakit kasi kay Jas pa ako humingi ng payo? Alam ko naman na sanay sa one night stands ang babaeng ito. Saka sana nga nakipag - one night stand na lang ako sa hindi ko kakilala. Pero si JD ito. Driver ko pa.
"Lu, I know you like JD. Nakikita ko kung paano ka sumulyap diyan kay papa. Bakit hindi mo na lang syotain muna para kung magsi - sex man kayo, wala kang guilt feeling na mararamdaman."
"Jas you are really impossible. Hindi ganoon iyon. I think pinagbigyan niya lang ako kasi ako ang nagwawala kagabi," inis akong napakamot ng ulo. "This is all my fault."
![](https://img.wattpad.com/cover/152982802-288-k911084.jpg)
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...