Lucy's POV
Nagdadalawang - isip ako kung papasok ako sa kuwarto ko. Nandoon pa kasi si JD at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Huminga ako ng malalim at lakas loob akong pumasok sa loob. Bahala na.
Pero wala na si JD sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Dumirecho na lang ako sa banyo. My body feels sore specially my privates. I think I need a warm bath.
I filled the bathtub with warm water and soaked my body in it. I closed my eyes and just feel the warm water on my body. It feels relaxing, it makes me de-stress from all the worries that I've been thinking. My mind is free from the thoughts of the problem in my office, no death threats.
But my mind is not free from thinking of what happened between JD and me. Napangiwi ako. Kahit ano pa ang isipin ko, kahit anong gawin ko iisa ang totoo. Nag - sex kami ni JD.
Pero sinaway ko na ang sarili ko. Bakit ba big deal sa akin? Bakit ba ako mahihiya? Ako nga ang lugi kasi ako ang nawalan. So 'pag nagkita kami ni JD, I'll just act normal tulad ng sinasabi ni Jas. Gawin kong normal ang lahat.
Nag - ayos na ako pagkatapos ko maligo. Magpapahatid ako sa hotel kung saan nag - stay si Jas. Pagbaba ko sa baba ay napansin ko agad na nasa labas si JD. Kumunot ang noo ko kasi parang may kausap siya sa labas ng bahay. Lalong kumunot ang noo ko kasi babae ang kausap niya sa labas ng bahay. At hindi lang basta babae. Magandang babae ang kausap niya.
"Manang Nely, sino ang kausap ni JD sa labas?" Tanong ko habang nakatingin ako sa lalaking iyon na sobrang busy sa pakikipaglandian sa babae. Sino ba iyon? Parang wala akong maalalang may magandang babae sa paligid ng bahay ko. Ako lang ang maganda dito.
Sumilip din si Manang at tiningnan ang sinasabi ko.
"Ah, 'yan yata 'yung bagong lipat sa katabing bahay. Parang model 'yan. Nai-kuwento lang sa akin ni Andeng 'nung nagdala ng karne kahapon." Sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. "Model? Bakit dito nagsiksik?"
"Nagbabakasyon 'yata. Kanina pa nga 'yan diyan kakuwentuhan ni JD. Nagbigay pa nga ng tinapay kanina. Imported daw iyon galing France," sabi pa ni Manang Nely.
Hindi ako sumagot at muli akong tumingin sa gawi nila. Hindi ko maintindihan pero parang gusto kong sugurin si JD at hilahin papasok dito sa bahay. Sobrang landi niya! Nakikipagtawanan pa siya. At ang babaeng iyon! May pahampas - hampas pa sa braso ng driver ko.
So talagang nagpalipas lang siya ng init ng katawan sa akin kagabi. Ako pa naman itong si gaga na isip ng isip na baka magkaroon ng consequence ang nangyari sa amin. Pero sa nakikita ko, parang wala na iyon kay JD. Ako lang ang nag - assume na may bearing iyon sa kanya.
"Tawagin 'nyo na ang lalaking 'yun. Tigilan na kamo ang pakikipaglandian at ang aga - aga. Maaga kaming aalis. At ang tinapay na galing France, itapon 'nyo. Baka expired na 'yun at ma-ospital pa tayo." Sabi ko kay Manang Nely.
"Ha? Kinain ko naman kanina parang hindi naman expired," parang inosenteng sagot niya sa akin.
Napairap ako at napangiwi.
"Itapon 'nyo. Bibili ako ng iba kung gusto 'nyo ng imported na tinapay. Didirecho na ako sa kotse," at tinalikuran ko na siya.
Nang pumunta ako sa garahe ay naroon pa rin sa labas si JD at kausap ang babae. Mukhang wala talaga silang balak na putulin ang usapan na ito. Kaya ng makasakay ako sa kotse ay malakas kong isinara ang pinto. Alam kong narinig nila iyon kasi pareho silang tumingin sa gawi ko. Nagpaalam na si JD pero hindi nakaligtas sa paningin ko na kinuha ng babae ang telepono niya tapos ay nagpipindot doon at ibinalik kay JD.
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...