18 • Wedding day • 18

33.2K 854 33
                                    

Lucy's POV

Today is Gigi's wedding.  Lahat kaming magkakaibigan ay present na sa chapel and we are just waiting for her to arrive.  Her groom is already there waiting, the principal sponsors, the whole entourage. 

We had fun last night.  Good thing hindi na nagkayayaan na mag inom kasi sinabi ko talaga we need to be fresh for today's wedding.  They were teasing me about JD.  Baka puwede na lang daw pagsayawin namin si JD just like the first time we saw him.  Ayoko nga.  Baka maiskandalo na naman ako.  And besides, tama ng ako na lang nakakakita ng ripped muscles niya.

Naghintay lang siya sa akin sa kotse kagabi.  Sabi niya kailangan namin umuwi ng twelve midnight.  I wanted to protest.  Ako ang boss pero bakit ako ang didiktahan niya kung anong oras kami uuwi.  Uuwi ako kung anong oras ko gusto.  Pero pagdating talaga ng alas dose, kumakatok na siya sa hotel room namin and sinusundo na ako.

Walang tigil ang tuksuhan ng mga kaibigan ko.  They even invited JD inside to join the party but he politely declined.  Sabi niya, kailangan ko na daw umuwi para makapagpahinga ako.

Kaya kahit nagpo-protesta ako, napilitan akong sumunod sa kanya at twelve thirty ng madaling araw ay nasa bahay na kami.

And just like what he did to me the other night, he gave me a glass of wine, massaged my neck then I had my good night sleep.

Then he woke me up at nine telling me I need to get ready because I have a wedding to attend.

Gusto ko ngang matawa.  Parang hindi lang siya driver.  Para ko na din siyang personal assistant.  He is preparing for my food, he is checking my mails.  Naiinis ako kasi parang he is invading my privacy but sa totoo lang, JD is helping me to sort out my daily routines.  Sa mga emails pa lang, he is just showing me those mails na importante.  I know there are some death threats but wala na iyon kapag na-check ko ang emails ko.  Even my phone.  He is checking kung sino ang tumatawag sa akin.  If it is only a number, he is telling me not to answer. 

So today at Gigi's wedding, relaxed na relaxed ako habang naghihintay na mag - umpisa ang kasal.  JD is just at the back.  Nagmamasid sa paligid.

"And you look fresh today.  Hindi ka mukhang haggard," komento ni Lizzie sa akin.  We are all standing at the door of the church waiting for the go signal of the wedding coordinator.

"Ikaw na ang may driver na member ni Magic Mike hindi ka pa ba maging fresh?" Sabat ni Jas.

Inirapan ko siya at natawa ako.

"Share mo naman sa amin.  Did you sleep together already?" Sabi pa ni Jas.

"What?!  Of course not.  He is just my driver.  Ano ba?  And ewww.  Hindi ako papatol sa driver 'no." Sabi ko.  Pero automatic na hinanap ng paningin ko si JD at nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa amin.  He is checking his phone.

"Bakit ayaw mo pa?  For sure naman kapag sinabi mo sa kanya na mag - sex kayo, papayag 'yan kasi ikaw ang boss niya."  At tumingin si Jas kay JD.  "Look at him.  Grabe!  So hot!  Mukha naman siyang hindi driver.  Bagay na bagay ang tux niyang suot."

"Jas, you are really a pervert.  Bakit laging sex ang nasa utak mo?  Baka marinig ka ni Nesty." Sabi ko.  Tawa ng tawa si Lizzie.

"Kasi nga virgin ka pa kaya tatanga - tanga ka pa." Sabi niya.

"Ewan ko sa iyo.  Kung pinagpapantasyahan mo ang driver ko, go.  Puntahan mo at sabihin mo na gusto mo siyang matikman." Hindi ko maintidihan kung maiinis ba ako dito sa kaibigan ko.

"Talaga?  Okay lang sa iyo?" Sabi ni Jas.

"Lucy, huwag mo hahamunin si Jas.  Alam mong hindi tatanggi 'yan lalo na nga at yummylicious talaga ang driver mo." Sabi ni Lizzie.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon