26 • I love you at your worst • 26

32.7K 921 68
                                    

Lucy's POV

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, kanina pa naka bulagta ang malanding babaeng ito at si JD.  Ano 'to?  Ano ba kami?  Wala na naman ulit 'yung landian namin kagabi?  Kapag nakakita siya ng ibang babae etsapuwera na ako?

I didn't bother to wear any decent clothes ng lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa garahe.  Sando at shorts - shorts lang ang suot ko.  Mukhang gusto naman ng lalaking ito ang babaeng hubad kaya ganoon na rin ang gagawin ko.

"Sige na, JD.  Sandali lang tayo.  We will just watch a movie then kain lang.  Ang lapit lang naman ng mall," narinig kong sabi ng babae.  May pahaplos pa ito sa braso ni JD.  At ang magaling na lalaking ito, mukhang talagang ipinagmamalaki pa ang hubad niyang katawan.

Napakamot ng ulo si JD at alanganing nakangiti.  Tumanggi ka!  Talagang bubugbugin kita kapag hindi ka tumanggi!  Gustong - gusto kong isigaw iyon.

"Sa susunod na lang Kitty.  Marami akong gagawin ngayon, eh." Alanganing sagot niya.

Kunwari ay lumungkot ang mukha ng babae.  Kung puwede ko lang burahin ang mukha niya, ginawa ko na.

"Sandali lang talaga tayo.  Promise.  Wala lang talaga akong kasama," pinaarte pa ng babae ang boses niya.

"He has some work to do so look for someone who would be your chaperone.  Or better yet, hire your own driver.  Hindi 'yung driver ng may driver ang kinakalantari mo." Sabat ko.

Parehong napatingin sa akin ang dalawa at nakita kong napangiwi si JD ng makita ko.

Inirapan ako ng babae.

"Sino ka ba?  Nakikielam ka dito," mataray na sabi ng babae at bumaling kay JD.  "Sino ba 'yan?"

Umiling lang si JD na parang gusto ng paalisin ang babae.  At talagang dapat niyang paalisin ang babaeng ito.  Pumapatol talaga ako basta malalanding babaeng katulad nito.

"Sige na Kitty.  Hindi talaga ako puwede.  May lakad kami ng boss ko, eh." At tumingin sa akin si JD.

"Magkano ba ang sweldo mo diyan?  Sabi ko naman sa iyo, dodoblehin ko.  Kahit triple sa akin ka lang magtrabaho." Sabi ng babae.

Natawa ako ng nakakaloko.  Anong akala ng babaeng ito?  Baka gusto niya pati siya bilhin ko.

"Ayusin mo ang sagot, Carbonel.  Siguraduhin mong matutuwa ako sa sagot mo." Ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Kitty, sige na.  Baka masisante ako dito." Sabi ni JD. 

"Sasaluhin nga kita, eh.  Kapag sinisante ka niyang bruha mong amo, ako ang sasalo sa iyo."

Umiling lang si JD.  "Mas gusto ko dito.  Sige na Kitty.  Mainit na ang ulo ng boss ko."

Talagang sasabog na ako kapag hindi pa umalis ang babaeng ito dito.

Inirapan ako ng babae at parang nagma - martsang umalis doon.  Sinundan lang ito ng tingin ni JD.

"Baka maduling ka kakasunod ng tingin sa babaeng iyon.  Puwede mong sundan kung gusto mo," inis na sabi ko sa kanya.

Ngumiti ng alanganin sa akin si JD.  "Sinundan ko lang naman ng tingin kasi baka madapa.  Alam mo naman gentleman ako.  Ayoko ng may masasaktang babae."

Inis na ibinato ko sa kanya ang t-shirt na naiwan niya sa kuwarto ko.

"Magdamit ka nga!  Haharap ka sa babaeng iyon ng ganyan ang itsura mo.  Talagang nang - aakit ka.  At 'yang pagkaing bigay niya sa iyo.  Subukan mong kainin 'yan talagang pati tupperware ipapakain ko sa 'yo."

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon