12 • Threats • 12

30.7K 990 89
                                    

JD's POV

I know Lucy is uneasy. The moment she step foot inside the car, wala na siyang imik at panay lang ang tingin niya sa phone niya. I can see from the rear view mirror, she is glancing at my way. Alam kong marami siyang gustong tanong.

I really don't like this assignment. First, I don't like Lucy. She is stubborn, hard headed, she is too proud, she doesn't respect people. Basta alam niyang boss siya and she can't get anything she wants because she has money. I don't like that kind of people kaya hindi ko maintindihan kay tatay kung paano niya natagalan magtrabaho sa babaeng ito.

Kaya ko sanang gawan ng paraan kung siya man ang assignment ko na hindi na ako magpapanggap na driver. Pero si tatay. Sobrang tigas ng ulo. Hindi siya aalis hangga't walang kapalit niya na talagang mapagkakatiwalaan niya. And I am sure sa ugali ni Lucy, walang tatagal na driver dito. So I thought about it, and I decided to replace my father. At hindi ko maipaliwanag ang saya sa mukha ng tatay ko ng sabihin kong ako ang papalit sa kanya.

I think Lucy has some enemies na hindi niya alam. She fired hindi lang yata dosenang tao. Basta nagkamali, tatanggalin na niya without even asking why. So hindi na ako magtataka kung isa man sa mga iyon ang nababanta sa buhay niya. And isa pa, if she is conniving with those arms dealers, she really dug her grave. Kapag wala na siyang pakinabang sa mga taong iyon, itatapon na lang siyang parang basura.

Parang hindi ko maisip na magagawa ni Lucy iyon. Makisosyo sa mga sindikato? Sa mga arms dealer? Sa sobrang arte nito. Well, baka magaling lang magdala si Lucy. Baka nga ang personality niyang ito ang ipinapakita niya sa mga tao para hindi mahalata na may mga illegal siyang ginagawa. She's always defensive para walang magtatanong sa kanya.

"Does your father Mang Ben knows that you are an escort?"

Tumingin ako sa rear view. Is she starting a conversation with me?

"Ako ba?" Sabi ko.

Nakita kong umirap siya. "Of course. May iba bang tao dito? At may iba bang escort dito?" Mataray niyang sagot.

Napahinga ako ng malalim. I don't know kung hanggang saan aabot ang pasensiya ko sa babaeng ito.

"No." Bahala na siyang mag - isip na iyon ang trabaho ko.

"Why did you leave that work? Did you find out that I was looking for you and I am going to sue you?"

"As far as I remember I didn't do anything wrong to you. You went in that place and you are old enough to know what is happening inside that place. So stop acting that you were violated because everyone knows that you enjoyed it." Nanatiling nakatutok ang mata ko sa kalsada habang sinabi ko iyon.

"Ang kapal ng mukha mo talaga! Stop this car! You are fired right now!" Malakas niyang sigaw.

Madiin kong diniinan ang preno ng kotse at huminto kami sa gitna ng EDSA.

"What the hell?!" Muntik ng sumubsob sa headrest ang mukha niya. Kita ko sa rearview mirror na galit na galit siya.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at pinatay ko ang makina ng sasakyan. May mga bumubusina na sa likod namin.

"What are you doing?" Gulat na tanong niya.

"You told me I am fired," kaswal na sagot ko at bumaba ako sa kotse at iniwan ko siya doon.

"Get back here! Drive this car right now!" Galit na galit na sigaw ni Lucy. Bumaba na rin siya sa sasakyan niya at sinisigawan akong bumalik. Nilingon ko siya at nakatayo lang siya doon. Parang batang gustong maglupasay. Gusto kong matawa. If she is tough then I am just going to give her the dose of her own medicine.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon