41 • Compromise • 41

58K 1.3K 192
                                    

PRE-ORDER OF TAMING AFFAIR BOOK 1&2 is now open.

Visit HELENE MENDOZA'S STORIES FB page for details

—————-
Lucy's POV

I hate this! Ano ba ito? Sa tuwing merong male stripper laging ako ang napapag - tripan?

Ang lakas ng sigawan ng mga tao. Talagang nagpapasag ako sa pagkakahawak ng male stripper. Dinala pa niya ako sa gitna ng stage.

Nang mabitiwan niya ako ay mabilis kong tinanggal ang ang nakasuot na gas mask sa mukha niya.

"JD?" Takang - takang ako. What is he doing here?

Ang ganda ng ngiti niya sa akin.

"Surprise?"

Agad na umigkas ang kamay ko para sampalin siya pero mabilis niya iyong hinawakan. Umangat ang kabilang kamay ko pero hinawakan din niya iyon. Pareho na niyang hawak ang mga kamay ko at kahit anong piglas ko ay hindi ako makaalis sa pagkakahawak niya.

"Let go of me you asshole," sabi ko sa kanya.

Pero lalo lang hinigpitan ni JD ang pagkakahawak sa akin. He pulled me closer to him at magkadikit na magkadikit ang katawan namin. I can smell his breath, punyeta ang bango. Ano kaya ang mouthwash niya?

Wake up, Lucy! Galit ka sa kanya 'di ba? Mabango lang ang hininga lalambot ka na agad?

"Bitiwan mo ako. Ipapakulong kita," sabi ko sa kanya.

"Mag - uusap lang tayo," sabi niya sa akin.

"Mag - uusap? In the middle of the stage at sa harap ng mga taong 'to? Ano ba 'tong palabas mo?" Inis na sabi ko sa kanya.

Nakita kong tumingin sa crowd si JD at ngumiti. Ang lakas ng tilian ng mga babae.

Lumapit ang isang crew at naglagay ng microphone stand sa gitna. Hawak pa rin ni JD ang dalawang kamay ko na parang tatakas ako anytime.

"Well, we are here standing in front of this crowd because I want a lot of witnesses when I do this," sabi niya.

"Do what? What the hell, JD? Let go of me. I hate you," sabi ko.

"Patawarin mo na 'yan! Diyos ko! Kung ayaw mo sa kanya amin na lang!" Malakas na sigaw ng isang babae mula sa crowd. Tawanan ang mga nandoon.

"Stop hating me, Lucy. Look, I know my mistakes and I am sorry."

I rolled my eyes. "Whatever. Just let go of me."

Pinalungkot ni JD ang mukha niya. Inirapan ko lang siya kahit na nga talagang natutunaw na ang galit ko sa kanya. Kung bakit naman kasi ang bango - bango niya. Ang guwapo - guwapo niya.

"Just listen, okay. I love you. If you want me to choose between you and my job, I'll choose you."

Ang lakas ng sigawan ng mga tao. Napatitig ako sa mukha ni JD at mukhang hindi naman siya nagbibiro ng sabihin iyon.

"Ano bang sinasabi mo? If you want to talk to me, we can talk somewhere not here," nakakahiya na 'tong ginagawa niya.

"I'll let go of you but promise me you're not going to run. And please stop hitting my face. Ayokong namamaga ang mukha ko sa wedding photo natin," nakangiting sabi niya.

Lalong nagsigawan ang mga tao.

"Wha - anong wedding photo?" Ano bang sinasabi ng lalaking ito?

JD let go of me. Puwedeng - puwede na akong tumakbo pero parang wala akong lakas na gawin iyon. JD is just standing looking at me and he took something from his pants back pocket and knelt in front of me.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon