10 • Morning after • 10

34.5K 973 37
                                    

Lucy's POV

I am awake but I can't open my eyes.  I just want to keep it close because my head is hurting like something is banging on it. 

I opened my eyes slowly.  Nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa bintana kaya napapikit ulit ako.  Ang ulo ko parang binibiyak ng martilyo.  Uhaw na uhaw ako kaya pinilit kong bumangon and I found a glass of water, two Mcdonald's quarter pounder burger and a medicine tablet on the bedside table.

My stomach growled when I saw the burgers.  I never felt this kind of hunger in my entire life.  Kahit parang nahihilo pa ako at umiikot ang paningin ko ay pinilit kong umupo sa kama.  I took the glass of water and drink it.  Ubos.  Kulang pa.  Nauuhaw pa ako.  Kinuha ko ang burger at kinain ko ng kinain.  I am eating like a monster.  Walang poise sa bawat kagat.  Kung puwede ko lang pagkasyahin ang burger sa bibig ko ginawa ko na.  Gutom na gutom talaga ako.

"You should take the medicine first para mawala ang hangover mo."

Napahinto ako sa pagnguya.

May nagsalita?  Sino 'yun?

Then I remembered what happened last night.  I was with this male escort na pina - book ni Jas.  But at the last minute, I had a change of heart.  I just want to pay the male escort and I wanted him to leave.  Pero makulit siya.  He was teasing me.  He was trying to make some advances siguro akala niya, makukuha niya ako sa ganoon dahil nakainom na ako.  Mabuti na nga lang at may tumawag sa kanya at bigla siyang umalis.

I finished the bottle of Remy Martin na nakita ko dito sa kuwarto ni Jas.  I was planning on going home until I felt something was wrong with me.  Ang init.  Sobrang init.  I wasn't feeling well.  Then nahilo ako and everything last night was all blurry. 

Bumalik ba ang lalaking escort kagabi?

Hindi ako gumalaw sa kama ko.  Bumagal ang pagnguya ko sa burger na kinakain ko. Ayokong tingnan ang nagsalita.  And I looked at myself and to my horror, I am totally naked under the sheets!

"Shit!" Naibulalas ko kahit punong - puno ng burger ang bibig ko at binitiwan ko ang hawak kong burger.

"Your clothes are hanged inside the cabinet," sabi pa ng lalaki.

Hindi talaga ako makakilos sa kaba.  Ayoko siyang tingnan kasi natatakot ako na baka hubad din ang lalaking nagsalita.

Did I do it last night?  Pero tumanggi ako.  Oh my God.  Think Lucy!  Think about what you did last night.  Paulit - ulit kong sabi sa sarili ko.

When I had the guts to look at the guy, I saw him sitting on the couch bowing his head because he is looking at his phone.  He is wearing a cap, white shirt tucked-in in a cargo pants and boots. 

Wait.  Who is this guy?  Parang hindi naman ito ang lalaki kagabi.

Nang mag - angat ng ulo ang lalaki ay nanlaki ang mata ko.  Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

Napatayo ako at talagang ibinalot ko ng kumot ang katawan ko.  I mumbled my words dahil punong - puno ng burger ang bibig ko.  Nakita kong natawa siya at napailing - iling.

"Swallow your food first bago mo ako awayin," natatawang sabi niya.

Sinunod - sunod ko ang paglunok ng burger sa bibig ko.

"What are you doing here?"

Nagkibit lang siya ng balikat.  "Long story.  Drink the medicine para mawala ang sakit ng ulo mo."

"You did something to me?!  Talaga 'yang pagmumukha mo hindi mapagkakatiwalaan!  I am going to call the police!" Sigaw ko sa kanya. 

I looked for my bag and I rummage inside to look for my phone.  Then it suddenly fell on the bed.  Parang may naghagis.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon