Lucy's POV
Matagal ng naitayo ang bahay na ito dito sa Tagaytay. First investment ko when I stepped in as the president of our company. My get away place kapag sobrang stressed ako noon. Pero sa dami ng ginagawa ko, sa sobrang subsob ko sa trabaho, I forgot that I have this place.
"This place is big. Who maintains this?" Narinig kong tanong ni JD. Pareho kaming nakatayo sa harap ng gate and I pressed the door bell.
"Si Manang Nely. She lives at the back with her husband. May small house 'dun. Yung anak nila pinag - aaral ko sa Manila." Sagot ko at pinindot ko ulit ang doorbell. "Manang Nely!" Sigaw ko.
Maya - maya lang ay lumalabas mula sa likod ang isang may edad na babae. Nakakunot pa ang noo niya para sinuhin kami. Nagliwanag ang mukha niya ng makilala ako. Patakbo pa siyang lumapit sa gate.
"Lucia! Lucia ikaw nga! Buti napadaan ka dito," bulalas niya at nagmamadali niyang binuksan ang gate.
Mabilis akong niyakap ni Manang ng mabuksan ang gate. Napahinga ako ng malalim. Kahit paano, nakaramdam ako ng konting ginhawa dahil malayo ako sa magulong buhay ko sa Manila.
"Pasok. Pasok kayo. Sana nagpasabi ka sa akin na darating ka." Tumingin siya kay JD at napangiti. "Lucia, napakaguwapo naman ng boypren mo. Mukhang artista." At nakita kong ngiting - ngiti si Manang Nely kay JD.
"What? No! No! He is not my boyfriend. Driver ko siya. Kapalit ni Manong Ben. Ano ka ba Manang?" Sabi ko at dire - diretso na akong pumasok. Baka masyado ng lumaki ang ulo ng lalaking ito dahil maraming nagsasabing guwapo siya.
"Umalis na sa iyo si Ben?" Tanong ni Manang habang nakasunod sa akin.
"Anak niya si JD. And Manong Ben is getting old. I want him to retire na din para makapagpahinga siya ang he can stay with his family," sagot ko at umakyat ako sa itaas. Nakasunod pa rin si Manang sa akin. Si JD ay mabagal lang na naglalakad at nakasunod din.
Huminto ako sa tapat ng kuwarto ko.
"Manang, gusto kong magpahinga. Hindi na ako lalabas dito. Bahala ka na sa kanya," at tiningnan ko si JD. "Kaya mo naman siguro ang sarili mo."
Kumunot ang noo niya sa akin. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," sabi niya sa akin.
Sinaraduhan ko lang siya ng pinto at tiningnan ko ang kuwarto. Napahinga ako ng malalim at parang nag - aanyaya ang kama sa akin. Pero hindi rin naman ako inaantok. I just want to be alone.
Pumasok ako sa banyo at naligo ako. Then doon lang ako sa kuwarto maghapon. Nanood ng tv, nagbasa ng mga libro ko doon na nabasa ko na noon. Ang sarap ng feeling na walang iniintindi. Na - miss ko ang ganito. 'Yung feeling ng relaxed. I also turned off my phone para hindi na rin ako maka-receive ng mga texts and calls sa mga nananakot sa akin, at nag - email lang ako sa secretary ko that I'll be on emergency leave and si Mark muna ang magti - take over ng post ko.
Walang nang - istorbo sa akin maghapon. Napatingin ako sa relo at nakita kong pasado alas onse na ng gabi. Inabot na pala ako ng ganitong oras dito kaya pala kumakalam na din ang tiyan ko.
Bumangon ako at binuksan ko ang pinto. Tahimik na. Siguro tulog na silang lahat. Mas maige iyon. Wala ako sa mood makipag - kuwentuhan.
I didn't bother to wear a robe ng pumunta ako sa kusina. Wala naman ng tao kaya okay lang na naka shorts shorts at sando lang ako. Nagbukas ako ng ref ay nakita kong may pork steak na luto si Manang. Napangiwi ako. Wala ako sa mood kumain. I saw a bottle of red wine then may queso de bola doon. Puwede na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/152982802-288-k911084.jpg)
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...