19 • Wedding Reception • 19

30.4K 961 27
                                    

JD's POV

Guests are really enjoying the party.  Napaka - unconventional ng wedding reception na ito.  No boring speeches, no father and daughter dance, no long introduction of ninongs and ninangs.  Basta pagpasok ng mga guests, buffet table is already open for starving guests, the mobile bar is serving alcoholic beverages plus the waiters roaming around carrying pika - pika foods and hard liquor shots.  

I saw Lucy took two shots of a clear drink from a shot glass.  Magkasunod niyang ininom.  Iritable siya and I don't know why.  Naiinis siya kasi hinaharot ako ng kaibigan niya?  Natawa ako.  I think Jas is just teasing her.

Naupo ako sa bandang likod.  Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.  She is talking to her friends, laughing with them.  At kapag may dumadaang waiter sa harap niya, automatic na dadampot siya ng kahit anong inumin doon.

Napailing ako.  Sigurado na ako, baka wala pang alas nuebe ng gabi, mag - uuwi ako ng langong - lango sa alak na amo.

Ilang waiter na rin ang dumadaan sa harap ko at nag - aalok ng inumin sa akin pero tumatanggi ako.  I am in a job at hindi talaga ako iinom.  Iced tea na lang ang kinuha ko habang patingin - tingin ako sa mga tao sa paligid ko.

Naramdaman kong may humawak ng kamay ko at nakilala kong si Jas iyon.

"Halika dali!" Sabi niya.

"Bakit?" Taka ko.  Hindi ako umaalis sa kinauupuan ko.

"Let's dance," sabi niya.

Natawa ako.  "I don't dance."

She rolled her eyes at me.  "I saw you dance ano ba?  Tigilan mo ako ng kaartehan mo.  Halika na!" Pilit niya at hinihila ang braso ko.

"Really, I don't dance.  And technically nasa trabaho ako," sabi ko.  Baka pagalitan na naman ako ng boss ko.  Napatingin ako sa gawi ni Lucy at nakita kong nakatingin nga siya sa gawi namin ni Jas.  Nakasimangot at dilim na dilim ang mukha.

"Ako ang bahala sa amo mong luka - luka.  Halika na dali," at malakas niya akong hinila.

Tumayo na rin ako kasi ayoko naman mamahiya ng babae.  She is pulling my hand hanggang makarating kami sa dance floor.  Marami naman ang nagsasayaw doon and Jas is dancing wildly to the tune of a rave music.

"Sige na!  Just dance!" Sigaw niya. 

Natawa lang ako at napapailing.  I know Jas is also drunk kaya lalong ang harot niya

"How do you find Lu?" Malakas na sigaw niya sa akin.

"What?" Ano ba ang sinasabi niya.

Inilapit pa niya ang bibig niya sa tenga ko.

"How do you find Lu?!  Do you find her attractive?"

Natawa ako.  "She is my boss.  And yes she is pretty attractive."

Ang ganda ng ngiti ni Jas.

"She is still a virgin.  What if I pay you?  Just tell me your rate to do her?"

Nawala ang ngiti ko sa labi at saglit akong napatitig kay Jas?  Tama ba ang narinig ko?  She is going to pay me to do her friend?

"Hey, don't get me wrong.  I know Lucy is attracted to you.  I never saw her look at any man the way she looks at you.  Masyado lang mataas ang pride ng babaeng iyan." Sabi ni Jas. 

Muli akong tumingin sa gawi ni Lucy at talagang hindi na maipinta ang mukha niya.   Ang sama - sama ng tingin niya sa amin ni Jas. 

"And her doctor advised her that she needs sex for her to relax.  So kesa naman sa kung sino - sino na lang ang madampot niya at least ikaw, I know you already.  And hindi na siya lugi sa iyo kasi guwapo ka naman."

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon