Lucy's POV
What's his name? Andy? Larry? Shit. Ano nga bang pangalan ng lalaking naghatid sa akin ngayon?
"Here's my card. You can call me anytime you need a driver," nakangiting sabi ng lalaki sa akin.
Kinuha ko ang calling card na ibinigay niya at nakita kong Henry Martin ang nakalagay na pangalan.
"Alright. Thanks for the ride," at bumaba na ako sa kotse niya tapos ay nag - doorbell ako sa bahay.
Si Manang Yoyie ang nagbukas ng gate at kita kong seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang siya at dire - diretso akong pumasok. Inilagay ko sa isang glass jar na nasa gilid ng sala ang calling card na ibinigay sa akin. Mahigit sampu na siguro ang naroon. Iba - ibang calling card. Bigay ng iba't - ibang lalaki na naghahatid sa akin gabi - gabi.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng wine sa ref. Dire - diretso ko iyon ininom.
"So ibang lalaki na naman ang naghatid sa iyo? Who was it this time?"
Hindi ko nilingon ang nagsalita pero alam kong si Ferdie iyon.
"What are you doing, ate? Every night, iba - iba ang lalaking naghahatid sa iyo dito. Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?" Sabi pa niya.
Humarap ako sa kanya at nakita kong naka - upo lang siya sa silyang malapit sa akin. Napakunot ang noo ko. Nakainom ako pero hindi ako lasing. Pero bakit parang ang laki yata ng ipinagbago ng kapatid ko? His body became bulky. Lumapad ang balikat. Nagpatubo pa ng balbas at bigote. Nagmukha na siyang mama. Hindi na siya ang batang kasama kong lumaki.
"Isang buwan kang nawala tapos darating ka dito na parang walang nangyari sa iyo. Bago mo ako sitahin sa ginagawa ko, ayusin mo muna ang buhay mo. You stopped going to school. 'Yan ang turo sa iyo ng agency na pinasukan mo?" Napairap ako at muli kong tinungga ang hawak kong wine. "Sabagay, what would I expect. Manloloko naman lahat ang mga tao doon."
"Ate, that was part of his job. Our job. I'm sorry kung nasaktan ka sa ginawa ni JD. Nagalit din naman ako sa kanya but, talagang ganoon." Sagot niya.
Natawa ako ng nakakaloko.
"Wow. So ngayon, pinagtatanggol mo na siya. Bakit? Kasi katulad ka na nila? I don't know, Ferdie. Pero wala na akong pakielam kung anong gawin mo sa buhay mo. Pinili mo 'yan kaya huwag mo akong pakielaman kung anong ginagawa ko sa buhay ko," sagot ko sa kanya at pabagsak kong ibinaba ang hawak kong bote ng wine sa mesa. Tinalikuran ko na si Ferdie. Wala na akong pakielam sa kanya.
"Ate naman. I am just worried about you. Ang kuwento nila Manang gabi - gabi iba - iba ang naghahatid sa iyo dito. Ate, hindi ka naman pangkaraniwang tao. Baka mamaya, masamang tao na naman ang makahalubilo mo." Alam kong sinundan ako ni Ferdie.
"They are just driving me home. I don't want to hire another driver na hindi ko kilala," sagot ko. "And besides, ngayon pa ba ako matatakot after what happened to me? Life is too short para mabuhay ako sa takot."
"Kaya ang ginagawa mo, kahit sino na lang na makilala mo sa bar? Ganoon ba? I told you meron akong makukuhang driver mo pero ayaw mo," alam kong nagagalit na ang kapatid ko sa akin pero wala lang siyang magawa dahil ako ang nakakatanda sa kanya.
"Its none of your business. My life, my rules."
"Tapos ano? Mapapahamak ka na naman? Ate, please. I am worried about you." Nagbago ang boses ni Ferdie. He really sounded so worried.
Humarap ako sa kanya.
"Just leave me alone. Pinili mo sila 'di ba? Just leave me. I'll be fine myself." Tinalikuran ko na siya at dire - diretso ako sa kuwarto ko.
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...