11 • Replacement • 11

32.6K 977 56
                                    

JD's POV

Halatang umiiwas sa akin si Kleng ng umuwi ako sa amin. Hindi niya ako kinausap at nagkulong na lang sa kuwarto niya.

Pasado alas onse na ng gabi iyon. Didirecho na dapat ako sa bahay ko ng makatanggap ako ng tawag kay Nanay. Wala pa daw kasi si tatay at kinakabahan siya.

Muntik na kasing madamay sa ambush si tatay noon. Driver siya ni Luciano Oligario. Ang tatay ni Lucy. Pero mukhang talagang si Luciano lang ang target kaya hindi napuruhan si Tatay. Pero siyempre, nagkaroon na ng trauma si nanay. Kapag ganitong ginagabi si tatay, hindi na mapakali ang nanay ko at tatawag na sa akin.

"Baka naman ginabi lang sa meeting ang boss niya," sabi ko kay nanay habang humihigop ng kape.

"Tatawag ang tatay mo kapag may importante silang lakad ng boss niya. Pero ngayon, hindi ko siya makontak. Kinakabahan ako, James." Parang maiiyak na si nanay.

Napahinga ako ng malalim. Tumayo ako at lumabas. Tinawagan ko si Dale. Ipa - pa - track ko ang cellphone ni tatay. Pero pinatay ko din ang telepono kasi nakita kong paparating sa bahay ang kotseng dina - drive ni tatay.

"Tay, anong nangyari? Ginabi ho yata kayo. Nag-aalala si nanay," sabi ko sa kanya ng makababa siya.

Halata sa itsura ni tatay na pagod siya.

"Galing kasi kami sa istasyon ng pulis," sagot niya at naglakad papasok sa bahay.

Kumunot ang noo ko.

"Istayon ng pulis? Bakit? Anong nangyari?"

Tiningnan ako ni Tatay at napailing.

"Akala ko mararanasan ko na naman ma - ambush," sabi niya. Naupo si tatay sa upuan harap ng bahay. Hindi na muna siya pumasok sa loob.

"Ambush? Tay, ano ho ang nangyari?"

"May humarang na motor sa amin kanina. Kasama ko si Lucy. Tinutukan ng baril si Lucy. Akala ko may mangyayaring masama sa batang iyon," napayuko si tatay at napailing - iling.

"Ho? Walang nangyaring masama sa inyo?" Ano kayang nangyari kay Lucy? Kahit masama ang ugali ng babaeng iyon, tao pa rin siya. At bawat buhay ng tao ay mahalaga.

"Iyak ng iyak. Alam kong natatakot pero hindi ipinapahalata. Ganoon naman ang batang iyon." Napahinga ng malalim si tatay. "Nag - aalala ako sa batang iyon. Silang dalawa na lang ni Ferdie. Kung may mangyaring masama sa kanya, kawawa ang kapatid niya."

Hindi ako nakasagot.

"Sabi ko nga kumuha na ng security. Maghanap ng driver na kaya siyang ipagtanggol. Matanda na ako. Hindi ko na kaya iyon."

"Umalis ka na diyan, tay. Ganyan palang may mga death threat ang babaeng iyan. Mayaman siya. Maraming pera. Kayang kayang bumili ng mga armed people ang babaeng iyon," sagot ko.

"Hindi naman ako mapapakali kung alam kong nasa panganib ang buhay ni Lucy. Parang anak ko na iyon. Isa pa, malaki ang utang na loob ko sa tatay niya."

Tumunog ang telepono ko at napailing si tatay.

"Sige. Kausapin ko na muna ang nanay mo. Huwag mo ng mabanggit ang tungkol sa pinag usapan natin ha? Para hindi na siya mag alala."

Si Dale ang tumatawag sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Balik ka daw sa office ni Mason. May briefing tayo," sabi niya.

"Ano na naman? Kala ko ba naka - leave ako?" Reklamo ko.

"Basta balik ka daw. Cancel na ang leave mo. 20mins." At pinatayan na ako ng telepono ni Dale.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon