Lucy's POV
Wala akong imik habang nagbibiyahe ako. I glanced at JD and he is just quietly driving looking at the road. Ang aliwalas ng mukha niya. Parang ang saya - saya niya. Samantalag ako, pakiramdam ko, ay isasalang ako sa execution chamber. Isasama niya ako sa pagbisita niya sa pamilya niya!
And how would I explain this to Manong Ben? He knows me to be the tough child na hindi marunong makisalamuha sa mga kasama ko sa bahay and yet here I am. Having an affair with my own personal driver.
Napapikit ako ng maisip iyon. Nahihiya ako kay Manong Ben and to his wife. Paano ba ito? Baka isipin nila I am taking advantage of the situation kasi I am JD's boss at hindi lang siya makatanggi sa mga gusto ko.
Saglit akong tumingin ulit kay JD. Hindi nga kaya napipilitan lang siya dito kasi nga ako ang boss niya? Baka naman wala talaga siyang gusto sa akin.
Sumulyap siya sa akin at napangiti siya.
"Nakakunot na naman 'yang noo mo." Komento niya.
"Napipilitan ka lang bang gustuhin ako?" Diretso kong tanong sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi ni JD.
"Anong napipilitan? What?"
"Baka hindi mo lang ako matanggihan kasi ako ang boss mo kaya pinipilit mo na lang na gustuhin ako," sabi ko sa kanya.
Napailing siya at napailing.
"You are overthinking again. Hindi ako napipilitan sa iyo. Hindi kita tatanggihan. Ano ka ba?" Parang naiinis ang tono ni JD.
Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa labas.
"Sasamahan mo lang naman ako 'di ba? I want to visit my family. I want you to meet them," sabi niya.
"Kilala ko naman si Manong Ben." Sagot ko.
"Kilala mo si tatay as Manong Ben your old driver. But hindi mo siya kilala as my father." Napahinga ng malalim si JD. "I just want you to meet my family, Lucy."
"Hindi ba puwedeng sa ibang araw na lang? Parang ang bilis kasi." Sa totoo lang kasi kinakabahan talaga ako. Ang weird nga. I can face anyone. Presidents, CEO's name it pero 'yung ngayon? Pamilya ni JD? Pakiramdam ko hindi ko kayang humarap sa kanila. And this is my first time na ihaharap ako ng isang lalaki sa pamilya niya.
"What is the difference today at sa ibang araw? Lu, we will just visit them. Kinakabahan ka ba?" Natatawa na si JD ngayon.
Inirapan ko siya.
"Parang ang bilis lang." sagot ko. Lalo ng parang nanigas ang mga paa ko ng pumasok sa isang bakuran ang kotseng minamaneho ni JD.
"Just relax okay? If you don't want me to introduce you as my girlfriend then sige. Sasabihin ko ikaw ang boss from hell ko," natatawang sabi niya ng ihinto niya ang kotse niya.
Napakagat - labi ako. Girlfriend. Parang hindi pa rin ako sanay. This is the first time that someone claimed that I am his girlfriend at nakakakilig pala.
"Okay? Are you good now?" Tanong pa niya at humarap sa akin. Ang guwapo - guwapo ni JD sa harap ko.
Natatawang tumango ako.
He kissed me and gently stroked my right cheek.
"They will love you, Lu." Punong - puno ng assurance ang boses niya.
Sana nga. Iyon na lang ang nasabi ko sa sarili ko.
JD moved out from the car at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Nakasunod lang ako sa kanya papasok sa loob ng bahay nila. May naka - park na owner type jeep sa garahe. Their house is small. Just a simple townhouse. Parang kasing laki nga lang ito ng tirahan ng mga maids ko pero pagpasok pa lang, ramdam ko na ang welcoming spirit na kahit kailan hindi ko naramdaman sa mansion namin. Parang ang gaang ng feeling dito. Siguro talaga depende iyon sa mga nakatira sa bahay.
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...